Angelica Panganiban on playing Daniel Padilla’s mom: "Tapos na ang pangarap ko na makatrabaho si Daniel as a loveteam!"

Angelica Panganiban on playing Claudia Buenavista in Pangako Sa ’Yo: “Yung mga na-shoot namin at isu-shoot pa namin, kasi medyo kahit papaano, makikita ko rito ang lightness ng character ni Claudia. So, nag-e-enjoy pa ako na may konting katatawanan. Ako, nae-excite ako sa viewers na mapanood siya na may comedy, medyo tatanga-tanga. Nae-excite ako sa viewers na makilala ang bagong Claudia.”


Inamin ni Angelica Panganiban na nagkaroon siya ng pag-aalinlangan noong una kung tatanggapin niya ang offer na gumanap bilang ina ni Daniel Padilla sa remake ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo.

Walong taon lang kasi ang agwat ng kanilang mga edad; si Angelica ay 28 habang si Daniel naman ay 20.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Actually ako, kung ako ang tatanungin, gusto ko na siyang gawin.

“Kaya lang, ako kasi, may mga kinu-consider akong mga tao. Kung ano sa tingin nila, opinyon nila.

“Kasi, hindi naman biro, first time kong gaganap ng mother role and hindi naman… hindi siya yung ganung 10 years old.

“Binata na siya, ‘te!” natawang sabi ni Angelica.

Biro pa niya, “Nag-e-expect pa nga akong magka-movie pa kami, na loveteam kami.

“Wala na, tapos na ang pangarap ko!

“So, ako, iniisip ko, kaya ko bang hindi na makatrabaho si Daniel as a loveteam?"

Patuloy ni Angelica, “Pero seryoso ako, ha, seryoso ako dun sa hindi sa loveteam.

“Pero kaya ko bang mapatunayan sa mga tao na mukha kaming mag-ina.

“So, tinanong ko si Tita Malou [Santos, Star Cinema managing director], ‘Believable po ba?’

“Ang sagot ni Tita Malou, ‘Ako, naniniwala akong kaya mo.’

“So, parang yun ang pinakinggan ko, noong naniwala sa akin si Tita Malou.

“So, bakit ko ida-doubt ang sarili ko, ‘di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelica sa grand launch ng Pangako Sa ‘Yo, Huwebes ng gabi, May 14, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

THE NEW CLAUDIA BUENAVISTA. Si Angelica ang muling magbibigay-buhay sa iconic character na Claudia Buenavista, na unang ginampanan ni Jean Garcia.

Pero sa mga nakunan na nilang eksena, hindi pa nakikita ang pagiging mean ng karakter na ginagampanan ni Angelica.

“Actually ngayon, ini-enjoy ko lang siya.

“Yung mga na-shoot namin at isu-shoot pa namin, kasi medyo kahit papaano, makikita ko rito ang lightness ng character ni Claudia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nag-e-enjoy pa ako na may konting katatawanan.

“Ako, nae-excite ako sa viewers na mapanood siya na may comedy, medyo tatanga-tanga.

“Nae-excite ako sa viewers na makilala ang bagong Claudia.”

Pero kalaunan ay lalabas na ang pagiging palaban niya at may mga confrontation scenes din sila ng female lead na si Kathryn Bernardo.

Lahad ni Angelica tungkol dito, “Nagpapaalam naman ako kay Kathryn.

“Sabi ko, ‘Okey lang ba sa ‘yo yung mga sakit-sakitan?’

“Sabi niya, ‘Opo, okey naman.’

“Sabi ko, ‘Gusto mo ba totoo?’

“Sabi niya, ‘Totoo po.’

“E, di okey naman, answered prayer naman!” tawa niya.

Pero paglilinaw ni Angelica sa pagpapaalam niya muna kay Kathryn, “Ayoko ng may makaaway ako sa trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN