Kathryn Bernardo on relationship status with Daniel Padilla: “Okey lang, chill lang kami.”

Once more for the expectant fans of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, are they an item? "Okey lang, chill lang kami,” she demurs, not surprisingly.


“Sobrang nakaka-overwhelm, pressured din lalo na kailangan naming gawin lahat para hindi namin sila mabigo.”

Ito ang pahayag ni Kathryn Bernardo tungkol sa pagbibida nila ni Daniel Padilla sa remake ng classic drama series ng ABS-CBN na Pangako Sa 'Yo.

Si Kathryn ang gaganap bilang bagong Yna Macaspac, na unang ginampanan ni Kristine Hermosa. Si Daniel naman ang bagong Angelo Buenavista, na unang ginampanan ni Jericho Rosales.

Ayon sa direktor ng teleserye na si Olivia Lamasan, sina Kathryn at Daniel ang the best na puwedeng mag-remake ng Pangako Sa ‘Yo.

Reaksiyon dito ni Kathryn, “Nakakakilig coming from Inang… I mean, alam natin si Inang [Olive] yun, e.

“Kapag si Inang ang nagsabi, parang masaya kami na naa-appreciate nila ang mga ginagawa namin ni DJ.

“And happy ako lalo na pumayag siya na maging part ng Pangako para i-guide kami… kung paano niya ginawa before.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Kathryn sa grand presscon ng Pangako Sa 'Yo, Huwebes ng gabi, May 14, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.


BARKADA NIGHTS. Napaisip din ba si Kathryn na ang loveteam nina Jericho at Kristine ay hindi nagkatuluyan sa tunay na buhay?

Natatawang sagot niya, “Hindi ko naisip yun, kasi parang isa sina Kristine at Jericho na gusto kong loveteam ngayon.

“So, hindi naman importante as a person, ang importante yung napapanood ng mga tao.”

Madalas silang tinatanong ni Daniel kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon, pero madalas silang umiwas sa pagsagot.

Pero sila na nga ba talaga?

“Okey lang, chill lang kami,” nakangiting sagot ni Kathryn.

Saka niya idinagdag na, “At excited kaming pareho rito. Nag-uusap kami.”

Pero mga fans na raw ang nagkukumpirma na sila na talaga. May lumabas na ngang mga larawan na magkasama sila at magka-holding hands.

Sabi naman ni Kathryn tungkol dito, “Baka noong concert ni Katy Perry, kasi kasama namin ang best friend ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, kaibigan na rin ni DJ yung boyfriend niya. Palagi kaming magkasama. Barkada kami.”


MATURE ROLES. Ang Pangako Sa ‘Yo ang maituturing na pinaka-mature roles na ginawa nina Kathryn at Daniel. Kinailangan din ba nilang sumailalim sa sensuality workshop?

Ayon kay Kathryn, “Mas ano siguro... mas kailangan naming mag-let go.

"Graduate na kami sa mga… medyo marami nang nagawa dun.

"So, ito na ang perfect time and perfect project to do these mature roles."

Sa pelikula, mature roles na rin ang gagawin nila?

“Well, hindi naman kapag sinabi nating mature roles, parang pang-matanda na agad.

“Nandoon pa rin ang pagiging teenager namin, pero mas malalim siguro.

"Yung mga problema, mas mabibigat."

Kung sakaling magkaroon sila ng kissing scene ni Daniel sa Pangako Sa ‘Yo, nakahanda na ba siyang gawin ito?

“Hindi ko pa alam!” natawang sagot ni Kathryn.

“Pero alam nila Tita Malou [Santos] kung ano ang dapat na gagawin namin. Sila yung mas nakakaalam.”


SAMPALAN WITH ANGELICA. Natawa naman si Kathryn nang tanungin kung nakahanda na rin ba siya sa mga eksenang sampalan at sabunutan nila ni Angelica Panganiban.

Sagot niya, “Handa na, kasi parang part talaga ng Pangako Sa ‘Yo ang mga sampalan, sabunutan… ready na ako.

“Excited ako, kasi si Ate Angelica ay nagpaalam naman siya.

“Tinanong niya nga ako kung ano ang gusto ko, daya o totoo.

“Sabi ko, totoo. Tapos kung may ayaw siya, sabihin na lang niya.

“Ayaw nga namin o lahat namang artista na may ka-akward-an o katampuhan sa set.”

Dagdag pa niya, “Alam naman natin na yun nga ang hinahanap ng mga tao, ganun nga yung sa dati.

“Pero mas minodernize na nga lang natin kasi hindi naman puwedeng puro mga sampalan lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN