Cristine Reyes still gushes over motherhood: "I can’t really say I’m complete, but I’m very happy."

Cristine Reyes is undergoing postpartum blues of a different kind, “Physically, mabilis akong mapagod... Emotionally, parang masyadong sensitive. Pag may napanood kang nakakatawa, sobrang tawang-tawa ka na. Pag nakakaiyak, iyak nang iyak ka naman... pero sabi nila, normal naman daw ito."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay napanood muli sa telebisyon si Cristine Reyes ilang buwan pagkatapos niyang isilang ang anak nila ng boyfriend na si Ali Khatibi.

Ito ay sa pamamagitan ng noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime noong Miyerkules, May 13.

Aminado naman si Cristine na nanibago siya sa pagbabalik-telebisyon niya.

“Unang balik ko sa TV, naninibago, sobra.

“Dati, parang wala lang, makulit lang.

"Ngayon, very conscious."

May niluluto na rin daw na programa para sa kanya ang ABS-CBN.

“Yes, mayroon nga, nag-meeting na kami dito sa ABS, ngayon naman sa manager ko.

“Balik-serye? Yes, ready na ako.”

Mensahe pa niya, “Thank you sa lahat ng sumusuporta sa akin, sa lahat ng mga nag-aabang.

“Kasi yung mga tao, nag-aabang na talaga sila sa akin sa mga comments sa Instagram and all.

"Malapit na ninyo akong makita, malapit na malapit na dito sa ABS CBN.”


LIFESTYLE CHANGE. Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa studio ng It’s Showtime noong Miyerkules, inamin ni Cristine na maraming pagbabagong naganap sa kanya ngayong isa na siyang ganap na ina.

Tatlong buwan na ang kanilang anak ni Ali na si Amara.

Saad ng StarStruck alumna, “Madaming adjustments, madaming ginagawa.

"Si Amara, kami talaga ang nag-alaga sa kanya at first.

“Ngayon, mayroon na akong yaya.

"At first, hindi kasi namin mapahawakan ni Ali kung kani-kanino, ‘di namin maiwan.

“Naospital na ako, kasi nakakalimutan kong kumain dahil sobrang nag-aalala lang ako.

“Siguro ganun pag first time, tapos siyempre bagong panganak, iniisip ko yung baby.

“Physically, maraming nabago, mabilis akong mapagod.

"Pumunta lang ako sa main lobby, pumunta ako sa kabilang building, parang hingal na hingal na ako papunta sa 10th floor... dinalaw ko ang mga taga-ASAP."

Patuloy niya, “Emotionally, right now, parang masyadong sensitive.

"Pag may napanood kang nakakatawa, sobrang tawang-tawa ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nakapanood ka naman ng nakakaiyak, iyak nang iyak ka naman.

“I don’t know, pero sabi nila normal naman daw ito."


HAPPY CAMPER. Masaya raw si Cristine sa bagong buhay niya bilang isang ina.

“I don’t know, I can’t really say if I’m complete, but all I can say is I’m very happy.

“I don’t know kung paano ko ma-express yung feelings ko towards my baby.

“Sobrang joy lang ang nararamdaman ko ngayon.”

Wala pa raw binyagan na magaganap sa ngayon dahil tinatapos muna nila ni Ali ang bahay na lilipatan nila.

"Sobrang dami naming inaasikaso pa, siguro pag natapos na yung house."

May plano na rin ba silang magpakasal?

Sagot ni Cristine, “Kasal? Yes, pero ‘di pa namin pinapaalam yung details.

"Siyempre private matters yun."

Kapansin-pansin namang payat at napapanatili pa rin ni Cristine ang seksing pangangatawan.

Aniya, “Siguro ang workout ko ay ang baby ko, very hands-on kami kahit may yaya kami.

“Hindi namin siya talaga pinababayaan sa yaya, sa amin pa rin talaga ni Ali.

“Even though ngayon, nagpapagawa ng house, lilipat, ang daming ginagawa, yun lang ang time na wala kaming choice kundi ibigay.

“Pag nasa house kami, nasa akin talaga siya.”


SUPPORT FOR ARA. Nagbigay rin ng pahayag si Cristine tungkol sa paghihiwalay ng kapatid niyang si Ara Mina sa ama ng anak nitong si Mayor Patrick Meneses.

Ilang buwan lamang ang pagitan ng panganganak ng magkapatid; si Ara ay nagsilang noong December 18, habang si Cristine ay nanganak noong February 8.

Parehong babae ang kanilang naging supling.

Saad ni Cristine, “Nung Mother’s Day, nag-exchange kami ng messages.

"Before that, nagkaroon kami ng dinner sa house niya.

“We’re just here for her. She’s strong naman.

"Si Ate pa, ang dami nang pinagdaanan niyan.

"Lahat naman ng tao nakaalalay, naka-support."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, “I don’t feel sad, hindi pa naman yun ending.

“Ang babata pa nila, hindi pa yun ending.

"Hindi natin alam kung ano yung ending ng story."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN