Coleen Garcia poised to transform sweet image to sexy, "It’s also time to grow up… I wanna be available to do different roles."

So far, Coleen Garcia is not getting any negative feedback on her decision to tackle sexy roles and right now, she has no plans to pose for men’s magazines.


Nagpaliwanag si Coleen Garcia tungkol sa pagpapa-sexy niya sa lalabas niyang TV project, ang Passion De Amor sa ABS-CBN 2.

Nagulat kasi ang marami nang biglang naglabas ito sa Instagram ng kanyang mga litrato na naka-bikini. At sa Lunes naman ang promo shoot nila para sa Passion De Amor kung saan naka-two-piece silang tatlo nina Arci Muñoz at Ellen Adarna.

Wala namang negative feedback ang sumulpot sa pagpapa-sexy ni Coleen pero marami ang nagtaka sa mabilis na transition ng image nito.

Ayon sa kanya, “I think it’s more of coming of age.

“I entered the business when I was around eighteen years old at hanggang ngayon mukhang fifteen pa rin ako.

“It’s just that I’m already twenty-three years old, I can't keep doing teenybopper roles naman.

“It’s time to grow, but at the same time may limitation naman.

“There’s a certain extent to sexy naman I’m willing to do.

“So I’m staying within my limitations, those boundaries.

“Pero it’s also time to grow up… parang I wanna be available to do different roles.

“Pag minsan sobrang bata yung pinu-portray na roles, parang you’re not really given the freedom to do other roles.”

Exclusive na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coleen sa isang event ng Mac cosmetics no’ng May 14, Huwebes, sa Palm Drive activity center, Glorietta 2.

Naroon si Coleen sa event kasama ang iba pang celebrities na sina Rufa Mae Quinto, Mariel Padilla, Andrea Torres, Joyce Ching, Maxene Magalona, at Pia Wurztbach bilang pagsuporta sa kani-kanilang mga makeup and hair stylists na nandun.

MALDIVES EXPERIENCE. Sa nakaraang bakasyon nila nang kasintahan niyang si Billy Joe Crawford sa Maldives nagsimula ang pagpapasexy niya.

Kuwento pa nang It’s Showtime regular, “Well, it all started in Maldives.

“And what happened there was sobrang wala kaming magawa doon dahil beach lang siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We tested our new camera, so kung anu-ano yung mga pinipikyuran namin doon.

“And then, siyempre sayang din naman yung mga swimsuits kaya nagpicture-picture lang din kami dun.

“It wasn’t really our intention to turn it into a photo shoot at all.

“Pero wherever we go pag nagta-travel kami, talagang palagi kaming nagpi-picture.”

NO TO SEXY MAGS. May plano ba siya na dalhin ang kanyang sexy image sa mga sexy mens magazine?

“Siguro sa ngayon wala pa. Wala pa namang planong mag-pose sa men’s magazine.”

Isa na si Billy sa proud sa pagpapa-sexy ni Coleen. Ito pa nga ang naga-upload ng mga bikini shots niya sa social media account nito.

Pahayag naman naman ni Coleen, “Proud naman ako sa kanya.

“And he’s also doing very well in his career niya right now, I’m very happy and proud of him.

“It’s really nice to have somebody who supports you in everything you do.”

Ano ba ang goal ni Coleen, manalo ng acting award o makilala bilang established at versatile na aktres?

“For now, ang gusto ko lang is to keep growing.

“I’m here in the industry to keep growing as a person, keep learning, get better and better in what I do.

“And sana habang dumadami yung mga work, I get the hang of it.”

Pagdating naman sa bago niyang serye, hindi pa alam ni Coleen kung may sexy scenes siya dito dahil ang character na pinu-portray niya ay isang dalagitang ngayon pa lang nakakaramdam nang pagmamahal.

Willing naman raw siyang magpa-sexy kung kakailanganin sa kuwento. Tiyak naman niyang hindi lalagpas ang production sa limitasyon na gusto niya.

Hindi pa lang alam ni Coleen kung kailan ilalabaas ang kanilang serye. Hinahanapan pa raw ito ng magandang slot sa Kapamilya network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN