Yeng Constantino discovers the beauty of intimacy after getting married: "Wow, this is beautiful!"

Yeng Constantino on intimacy during marriage: “Pag married ka, sobrang beautiful pala ng intimacy. Napakaganda pala niya… so pure.”


Ipinagdiwang nina Yeng Constantino at Victor “Yan” Asuncion ang kanilang third monthsary bilang mag-asawa noong May 14, Huwebes.

Sa ngayon, wala pa raw silang balak magka-baby at ini-enjoy pa nila ang estado nila bilang bagong kasal.

Sabi ni Yeng, “Hindi pa naman ako nag-iisip magka-baby dahil sa totoo lang, mas sobra ngang daming blessing na dumadating ngayon and supportive si Yan sa akin.

“Gusto ni Yan na kung ano ang dumadating na oportunidad, i-take ko muna 'yon.

“Bata pa naman kami pareho at huwag palampasin ang inihahain ng Panginoon sa harapan natin.”

Dugtong pa ng singer, “Tsaka ine-enjoy namin ang pagsasama namin, bago pa lang naman at para maging best friends kami.”

Inilahad din ni Yeng ang mga pagbabago sa kanya ngayong may-asawa na siya.

“Mas naging girlalush [babae] talaga ako. Nag-iba talaga.

"Nagluluto ako, nag-aaral akong magmasahe ng paa, hindi ko man naiisip na gagawin ko before.

“Nakakalambot ng puso ang pag-aasawa,” sabi ng singer.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Pop Rock Princess sa announcement na siya na ang bagong host ng The Voice Kids Season 2, kapalit si Alex Gonzaga.


BEST PART OF A MARRIED LIFE. Natawa naman si Yeng nang tanungin kung ano ang best part ng pagkakaroon ng asawa.

“I must say intimacy,” diretso nitong sagot.

“Pag married ka, sobrang beautiful pala ng intimacy.

“Napakaganda pala niya… so pure.

“Kasi hindi ko naman ito na-enjoy nung single ako.

“Parang may ganito pala. Ang saya naman nito.

“Ang oneness ninyo, dun mo makikita. Wow, this is beautiful!

“Nakita ko kung paano dinesign ni God kung ano pala ang purpose nito. 'A, ito pala 'yon. It’s to nurture the relationship.'

“Walang guilt, kasi dati pag single, pumapasok pa nga sa isip mo, ‘Gusto ko i-kiss.’ ‘Ay, nakaka-guilty. Wag na lang.’

"Parang ngayon, sobra din lang yung freedom."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SOMETHING NEW. Samantala, ibang karanasan naman para kay Yeng na maging host siya ng isang TV show, lalo pa’t mas nakilala siya bilang singer.

Kuwento niya, “Binalita po sa akin ito ng manager ko sa telepono.

“Parang ako, ‘Totoo ba 'yon?’ Kasi parang hindi siya inasahan.

"Pero siyempre nasa back ng mind ko, ng heart ko, sana I will try something new sa darating na mga panahon in my career.

“Ito po ay parang sinagot na panalangin ng Panginoon.

“Hindi nga lang expected kasi napakalaking proyekto po.

"Nung una, kinabahan, kinailangan ko talaga ng affirmation ng manager ko, ni Yan, siyempre ng tatay at nanay ko.

"Tapos nakakuha naman ng lakas ng loob at napalitan ang kaba ng excitement.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN