Coleen Garcia feels lucky and blessed to be loved by Billy Crawford, "Nagbibiro nga kami na siya yung girl sa relationship."

Coleen Garcia remains cool when reminded about couples breaking up despite their public avowals of love, "If you love someone you should let him love you and if you’re happy, share it with the world. Sabihan man natin maghiwalay kami, at least I got to share with the world how happy I was.”


Itinuturing ni Coleen Garcia na suwerte siya sa pagkakaroon niya ng kasintahang kagaya ni Billy Crawford na supportive daw sa kanyang karera at sa desisyon niyang magpa-sexy ng image.

Wala raw siyang problema sa kung ano ang iisipin ni Billy o maramdamang selos nito sa tuwing nakabalandra sa Instagram ang photo niya na nakasuot siya ng bikini.

“Not at all,” pakli nga niya.

Saad pa ni Coleen, “Sadyang suwerte lang talaga ako.

"Sa lahat ng mga nakilala kong boyfriend at kahit sa ibang artista, isa siya sa pinaka-supportive.

“Isa siya sa pinaka-hindi possessive and he just lets me do what I wanna do.”

Exclusive na nakapanayam si Coleen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang event ng Mac cosmetics no’ng May 14, Huwebes, sa Palm Drive activity center, Glorietta 2.

BILLY'S DECLARATION. Sa Instagram post ni Billy nung madaling araw ng Huwebes, nagpahayag ito ng kanyang pasasalamat at laki ng pag-ibig kay Coleen.

Narito ang kabuuang mensahe ni Billy para kay Coleen na kalakip ang larawan ng magkasintahan na kuha sa isang mountain-climbing activity nila:

“You never cease to amaze me!

“You’re the strongest and most powerful woman I’ve ever met. I thank God for giving you to me everyday! I only want happiness for you.

“I would climb the tallest mountain and if I could give the world to you, I would.

“But I know the Lord has amazing plans for both of us! My partner in everything.

“I love you so much @coleengarcia. Thank you for your love.”

Reaksyon ni Coleen tungkol dito, “Siyempre, nakaka-touch.

“Nagbibiro nga kami na siya yung girl sa relationship, pero I love that about him.

“I love how expressive he is, hindi naman lahat ng tao ganyan.

“Minsan, we have a hard time expressing ourselves and I’m really glad he’s like that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That is why it's one of the reasons why I’m really blessed.”

DISCLOSURE. Nung bagu-bago pa lang sila ni Coleen, sinabi ni Billy na magiging matipid siya sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanila dahil gusto niyang maging private ito.

Pero ngayon, makikita ang pagiging open ng boyfriend niya sa social media sa lahat ng mga kaganapan sa kanilang relationship.

Paliwanag ni Coleen tungkol dito, “I think we tried to keep our relationship private.

“Pero the fact that we’re in the same show every day, whatever we do, hindi talaga, e.

“Our relationship will never be completely private, although there are some aspects that we keep private.

“Like, pag nag-aaway kami hindi naman namin pinu-post sa social media… actually, hindi madalas, e.

“Kung may argument man, it’s just for a moment that won’t really last in a span of time.

“We try to fix it right away, hindi na namin pinatatagal pa.

“Hindi namin tinutulugan yung mga problems namin, we really fix them right away.”

OPTIMISTIC. Magtatatlong taon na raw ang samahan nina Coleen at Billy Joe. Isang taon raw silang nag-date at dalawang taon silang magkasintahan.

Hindi kakaiba ang pagiging expressive nina Coleen at Billy Joe sa ibang mga showbiz couple na gaya nina Gerald Anderson at Maja Salvador.

Kaya naman marami ang nag-aalala na baka matulad din sila sa mga ito na naghiwalay matapos ipangalandakan sa madla ang laki ng pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Paniniwalang sabi ni Coleen, “I think in other relationships, you have to be optimistic.

“You shouldn’t think paano kung maghiwalay kami o kung may ginawa siyang masama sa akin.

"Or kung mauudlot yung relationship na ito. I think you should not be thinking about that.

"I think if you love someone you should let him love you and if you’re happy, share it with the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung in the future, you end up breaking up, sabihan man natin maghiwalay kami, at least I got to share with the world how happy I was.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN