Kris Aquino agrees to work with ex-boyfriend Mayor Herbert Bautista for closure

Aminado si Kris Aquino na wala na siyang excess baggage sa kanyang puso laban sa ex-boyfriend na si Mayor Herbert Bautista kaya pumayag na siyang makatrabaho ito. Sabi pa niya, “Siguro test ko rin sa sarili. Sa personal na buhay okey na ako, kasi kung sa personal na buhay hindi ako okey, hindi ko ‘to gagawin dahil baka naman every day after shooting umuuwi akong umiiyak.”


Maayos na muli ang pagkakaibigan ng ex-lovers na sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at ang tinaguriang "Queen of All Media" na si Kris Aquino.

Katunayan, nakatakdang gawin ng dalawa ang kauna-unahan nilang proyektong pagsasamahan, isang pelikula mula sa Star Cinema na umiikot ang tema sa adult-romance. Ididirek ito ng blockbuster director na si Antoinette Jadaone (direktor ng That Thing Called Tadhana).

Read: Kristek to hit the big screen! Kris Aquino and Herbert Bautista to work together in a movie

WITH BIMBY’S APPROVAL. Puro tawanan ang naging panayam ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News kina Kris, Direk Tonet, at Mayor Herbert.

Isa pa nga sa natalakay ay ang tungkol sa pag-ayaw ng anak ni Kris na si Bimby na matuloy ang pelikula.

Kuwento ni Kris, “Muntik na itong hindi matuloy dahil una, ayaw gawin ni Bimb.

“Okey diretso na para tapos na. Kasi sabi ni Bimb, ‘Mama, he broke your heart and he’ll break your heart again.'"

Dahil daw sa pagmamaktol ng bunso, kinausap daw niya ito nang masinsinan.

Sabi raw niya kay Bimby, “Please let me do this honey, kasi your mama needs closure."

Sabat na biro ni Herbert tungkol naman sa sarili, “And that guy needs a job.”

Sinabihan daw niya si Bimb na hindi magwu-work ang pelikula kung wala siya at pumayag naman daw ito.

Bago pa raw ang story conference na ginanap kahapon, May 15, nag-usap na raw silang dalawa tungkol sa pagsasamahang pelikula at trabaho lang daw ito.

KRISTEK. Sa tanong naman sa dalawa kung may matutuloy bang naudlot na pagmamahalan ang tambalan nilang tinatawag na KrisTek, tawa lang ang isinagot nina Kris at Mayor Herbert.

Sabi ni Kris kay Herbert, “Ako, puwede magtanong? Why did you say yes?"

Tugon ni Herbert, “Because of you.”

Sabi ni Kris na natatawa, “Tatanggi ka ba sa akin, tinanggihan mo nga ako, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang naghiwalay ang dalawa matapos ang maiksing relasyon. Kalaunan, ibinulgar ni Kris na nag-propose sa kanya si Mayor Herbert ngunit umurong din ito at nakipaghiwalay.

Read: Kris Aquino reveals Mayor Herbert Bautista proposed but broke up with her a few days later

Bakit nga ba pumayag si Kris na makasama ang ex-boyfriend?

Seryosong banggit ni Kris, “Kasi I’ve never done something like this. Lahat ng projects ko, lahat ng festivals mula noong nag-movie ulit, from Mano Po down the line, I’ve never been able to do a full-length romance.

“And you have to put that into perspective, e. Sa edad ba naman namin, akalain pa ba namin na merong adult romance na puwedeng maganap. Why not?

“Kaya ano, sinabi ko na [sa sarili ko] na, ‘You will continue to challenge yourself,’ and it was something na gusto ko talagang gawin.

“Siguro test ko rin sa sarili. Sa personal na buhay okey na ako, kasi kung sa personal na buhay hindi ako okey, hindi ko ‘to gagawin dahil baka naman every day after shooting umuuwi akong umiiyak.

“Pero ngayon excited na ako dahil feeling ko every day after shooting, nakatawa na ako.

May rules ba sila sa shooting?

Natatawang sabi ni Kris, “No friends, staff lang. Phone friends.”

Dagdag pa niya, “Baka kasi may paliparin siya from Korea.”

Marahil ang tinutukoy ni Kris ay ang napapabalitang bagong apple of the eye diumano ni Mayor Herbert na isang pulitiko mula sa South Korea.

Read: PEP EXCLUSIVE. Mayor Herbert Bautista "smitten" with Philippine-born lady solon in South Korea

Pero baling ni Mayor Herbert, “Wala naman.”

Sabi ni Kris na natatawa, “Hindi sinasabi ko lang. I’m not jealous.”

"A COLLISION WORTH HAVING." Samantala, sa Instagram post ni Kris kagabi, sinabi nitong puwede naman daw niyang iwasan ang ex-boyfriend pero sabi pa niya, "You were a collision worth having."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN