Daniel Padilla insists there’s no awkwardness between him and James Reid: “Wala namang kailangan na ika-awkward.”

Contrary to fans who delight in pitting the KathNiel and JaDine loveteams against each other, Daniel Padilla insists there’s no awkwardness between him and James Reid: “Kapwa natin artista yun, e. Bakit natin ika-aano? Kaibigan natin lahat ng artista. Magkaibigan kami ni James, talaga, oo naman. Yung talagang dati pa lang, hindi pa kami ano, magkaibigan na kami.”


Number one loveteam ng bagong henerasyon ang tawag sa tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Nakakahiya nga e, nakakahiya,” ang natatawang bulalas ni Daniel tungkol sa bansag sa kanila.

Ipapalabas na sa May 25 ang remake ng Pangako Sa ‘Yo na unang napanood noong 2000 na pinagbidahan noon nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales, at ngayon ngang 2015 ay pagbibidahan naman nina Kathryn (bilang Yna Macaspac) at Daniel (bilang Angelo Buenavista).

Kailan aamin sina Daniel at Kathryn tungkol sa estado ng kanilang relasyon?

“Anong aaminin ko? Wala na,” at muling tumawa si Daniel.

“'Pag hindi na kayo interesado. Hindi loko lang, joke lang!

“Pagka nasa tamang oras. Gabi na kasi ngayon,” at muling tumawa ang Teen King.

So ibig sabihin ay may aaminin nga sila pero ayaw pa lang nilang umamin dahil hindi pa tamang oras?

“Ano pong next question natin?” ang muling idinaan sa pagbibirong pag-iwas ni Daniel.

WEIGHT LOSS SECRET? Tinanong naman si Daniel kung ano ang sikreto niya sa kinarir niyang pagpapaganda ng katawan.

“Wala, wala,” pakli niya.

Nagbawas siya ng timbang.

Dagdag niya, “Wala, kung ano lang yung normal ko. Kasi sumobra talaga ako, hindi naging normal yung kain ko nung nasa Amerika ako, talagang hobby ko yung pagkain dun, e.

“Pero ngayon kung anong normal ko, so 'eto.”

NO AWKWARDNESS WITH JAMES. Kamakailan lang ay nagkita na sina Kathryn at Nadine Lustre.

Read: Lookalikes Nadine Lustre and Kathryn Bernardo finally meet and formally introduced to each other

Kung sakali, magkaroon kaya ng awkwarness sa pagitan nina Daniel at James kapag sila'y nagkaharap?

May mga tao kasi na tila pinagbabangga ang KathNiel at ang JaDine tandems.

Tanggi niya, “Wala, wala. Wala namang kailangan na ika-awkward.

“Kapwa natin artista yun, e. Bakit natin ika-aano? Kaibigan natin lahat ng artista.

“Magkaibigan kami ni James, talaga, oo naman. Yung talagang dati pa lang, hindi pa kami ano, magkaibigan na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH SENIOR STARS. Sa Pangako Sa ‘Yo ay may mahalagang papel rin sina Jodi Sta. Maria (bilang Amor Powers), Ian Veneracion (bilang Eduardo Buenavista) at Angelica Panganiban (bilang Claudia Buenavista).

Hindi pa raw nakakasama ni Daniel sa taping sina Jodi at Angelica.

“Pero feeling ko magiging masaya ito dahil siyempre si Tito Ian nakasama ko na siya sa Got To Believe.

“Si Ate Angelica, e talaga namang rock and roll din yun, so makulit yung set na.”

JITTERY ABOUT VIEWERS' REACTIONS. Aminado si Daniel na kinakabahan siya sa magiging pagtanggap ng publiko sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

Ani Daniel, “Oo naman, siyempre! Hindi pa natin alam kung anong... pero siyempre hindi ko naman puwedeng unahan ng kaba so ayusin na lang natin.”

Saan nanggagaling ang kaba; sa mataas na expectation sa kanila ni Kathryn?

Saad pa niya, “Oo naman. 'Tsaka siyempre kung kaya mo bang i-pull-off ito, 'di ba?”

O kung kaya ba nilang lampasan ang naging tagumpay ng naunang PSY?

Sa tingin ba nila ay malalampasan ba nila iyon?

Lahad niya, “Ah, hindi ko alam. Hindi pa natin alam.”

Ang mga direktor ng Pangako Sa ‘Yo ay sina Olivia Lamasan, Dado Lumibao at Rory Quintos.

Kung ire-require sa kanila ni Kathryn na magkaroon ng kissing scenes sa PSY, handa na ba sila?

“Alam nila [ABS-CBN management] kung kailan dapat gagawin,” sambit niya.

Sa tanong naman kay Daniel kung sa scale of one to one hundred ay gaano siya kasaya ngayon sa personal na buhay niya, sabi nito, “Three hundred!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN