Dennis Trillo on courting newly single Maja Salvador: “Ayoko namang mag-take advantage or anything.”

Dennis Trillo says he’s not making a move on Maja Salvador, despite her recent breakup with Gerald Anderson: “E, alam ko kasi ang pinagdaanan niya, so ayoko namang mag-take advantage or anything or samantalahin ang pagkakataon. Nandito kami para gumawa ng pelikula,” he says.


Nangingiti at matagal bago nakahanap ng sagot si Dennis Trillo nang tanungin ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang lovelife.

Ang tanong namin: Kung puwede siyang pumili, alin ang gusto niya: “You're still the one” o “I want a new one."

“Ang hirap ng tanong, ha?” natatawang sagot ni Dennis. Ang panayam ay ginanap pagkatapos ng presscon proper ng pelikulang pinagbibidahan nila ni Maja Salvador, ang You’re Still The One, ng Regal Films at Star Cinema kahapon, May 16 sa Dolphy Theater.

Sabi nga niya, “Mahirap yung tanong siguro kasi, nandoon ako sa point na hindi ko kailangang mamili ng kahit na ano.

“Parang I’m just going with the flow. Ginagawa ko lang ang mga bagay na kailangan kong gawin para maging masaya ako.”

Gusto ba niyang bumalik sa dati, o gusto niya ng bago?

“Ano ba? Siguro ngayon, nandoon ako sa estado na hindi ko kailangang i-pressure ang sarili ko na mamili ng kahit sino at the moment.

“Kaya mas walang pressure. Mas less obligation and responsibility.”

NO RECONCILIATION WITH JENNLYN. Diretsahan na nga naming tinanong ang Kapuso actor kung may pagbabalikang nagaganap sa pagitan nila ni Jennylyn Mercado.

“Wala, wala pa talaga,” mabilis naman niyang sagot.

Ano lang ang meron sa kanila ni Jennylyn ngayon?

“Basta ang sa amin ngayon, kaming dalawa, ako personally, natutuwa lang na naging maayos ang lahat after ng mga pangyayari na matagal nang panahon,” dagdag niyang paliwanag.

Noong May 15 ang kaarawan ni Jennylyn. Nasa shooting daw siya, pero binati naman daw niya ito. Habang noong kaarawan niya, binati rin naman daw siya ni Jennylyn.

HAPPY AND BLESSED. Nasa itsura ni Dennis na masaya ito ngayon.

Hindi naman niya ito itinanggi at sabi nga niya, “Masaya, kasi maraming magagandang nangyayari sa buhay.

“Sa projects, sunod-sunod na pelikula. After nito, may dalawa pa kong kailangang tapusin at saka ko pa lang sisimulan yung mga TV projects sa GMA, of course.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala namang problema, magaganda lang ang lahat ng nangyayari sa buhay ko,” pagpapasalamat niya.

REUNITING WITH HIS EXES? Naalala namin dati sa naging panayam namin kay Dennis, nabanggit niya na wala pa naman siyang mga ex-girlfriends na binabalikan.

Ganun pa rin ba siya hanggang ngayon?

“Ah, hindi pa naman,” saad niya.

Pero bukas na ba siya sa mga ganoong posibilidad?

“Hindi mo naman masasabi kung ano ang mangyayari sa buhay mo. Kaya mahirap magsalita nang tapos. Pero yung totality, masaya lang lahat, peaceful, walang masyadong stress,” lahad niya.

Kay Jennylyn, posible rin ang balikan?

“Well, sa buhay natin, maraming puwedeng mangyari na hindi natin alam talaga kung ano ang kahahantungan ng mga bagay-bagay,” sagot niya.

IMPRESSED WITH MAJA. Sa isang banda, ang leading lady niya sa You’re Still The One na ipapalabas na sa May 27 ay ang Kapamilya actress na si Maja Salvador.

Habang ginagawa nila ang pelikula ay naging “single” si Maja.

Hindi ba sumagi sa isip niya na puwede rin niya itong ligawan?

“E, alam ko kasi ang pinagdaanan niya, so ayoko namang mag-take advantage or anything, or samantalahin ang pagkakataon.

“Nandito kami para gumawa ng pelikula,” diin niya.

Naramdaman ba niya habang nagtatrabaho sila na may lungkot kay Maja?

Sagot niya, “Wala nga, e.

“Ang galing niya ngang magdala kung anuman ang pinagdadaanan niya.

“Very positive pa rin siya and yun, maganda rin na hindi naapektuhan ang mga trabaho niya na kailangan niyang gawin.”

FLATTERED BEING ELLEN'S CRUSH. Bukod kay Maja na nagsabing natupad ang isa sa pangarap niya nang makapareha na nga si Dennis, isa pa sa leading lady niya sa pelikula ay ang sexy star na si Ellen Adarna na noon pa man ay bukas sa pag-aming may crush ito sa kanya.

Ano nga ba ang pakiramdam na pinapangarap siya ng mga babae?

“Feeling ko lang, ang tanda na ng dating ko na gusto nila 'kong makatrabahong lahat,” natawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong din niya, “Natutuwa siyempre na kahit ilang taon na 'ko sa showbiz...may ginagawa rin ako sa career ko na maganda kaya yung mga tao, gusto nilang makatrabaho ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN