Bret Jackson on short-lived relationship with Andi Eigenmann: “It doesn’t matter if you’re a celebrity or not. It’s about the person, what she is inside.”

Bret Jackson reflects on his short-lived relationship with Andi Eigenmann: “Status doesn’t mean anything, money doesn’t mean anything. Yung tao who’s gonna love you, who’s gonna respect you, yun lang. You only need the love, respect, the trust, ganun lang.”


Sa presscon ng Wattpad Presents: Hot and Cold featuring Bret Jackson and Ella Cruz na mapapanood na bukas sa TV5, inamin ng aktor na pagkatapos ng breakup nila ng ex-girlfriend na si Andi Eigenman ay wala na silang komunikasyon sa ngayon ng aktres.

Siniguro niyang ito'y hindi dahil bitter o may galit siya sa kinauwian ng relasyon nila ng kontrobersyal na ex; siguro ito ang paraan niya para makapag-move on.

Ayon kay Bret, nakatutok siya ngayon sa kanyang gumagandang career at nagpapasalamat siya sa dami ng trabahong nakalinya niyang gagawin.

“Andi and I broke up, it’s been a month or two.

“'Di na kami nag-uusap. It’s not because I'm bitter or something, it’s just lately, ang daming work, super busy lately.

ASAP, mga stuff in ABS 'tapos dito sa TV5, pero happy ako ngayon kasi I’ve got my first endorsement.

“May gagawin uli akong movie sa Viva, ang daming blessings na dumarating,” pagpapasalamat niya.

OK WITH ANDI'S DENIALS. Marami ang nakapansin na kahit inamin na ni Bret ang tungkol sa naging relasyon nila ni Andi ay may mga panayam pa rin kunsaan dine-deny siya ng ex. Ayon kay Bret ay napagkasunduan nila ito ng aktres para iwas intriga na rin.

“'Cause it’s a lot easier at that time for both of us not to let it out, ang daming intriga. Desisyon naming dalawa yun.

“It’s not about lying naman, it’s about making things easier. I think everyone knows na kami naman, it’s pretty obvious,” pag-amin niya.

Sa ilang buwan na tinakbo ng kanilang relasyon ay ilang ulit ding nabalita ang tungkol sa pag-uusap at isyu ng balikan nina Andi at Jake Ejercito.

NO OVERLAP. Marami tuloy ang nag-aakala na baka pinagsabay ng aktres sina Jake at Bret.

Ano naman kaya ang reaksyon ni Bret sa bali-balita na nagkabalikan na raw ang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagklaro niya, “I wouldn’t know, I’m not following that.

“If it’s so, well, that’s good for her. Hindi naman, I don’t think it’s overlap naman, I don’t have any idea of that. I know Andi will never do that naman.

“Naka-move on kay Jake? I believe so.”

RESPECT FOR ANDI AND JAKE. May ilan ding nagsasabi na kundi raw pinayagan ni Bret na magkaroon pa ng communication sila Andi at Jake ay 'di magkakagulo at mauuwi sa breakup ang relasyon nila.

Pinaliwang naman sa amin ng aktor na nirerespeto niya kasi ang apat na taong naging relasyon ng dalawa at 'di naman nililihim ni Andi sa kanya 'pag nakaka-usap nito ang ex-boyfriend.

“Kasi four years yun, you have to respect that.

“I’m not 18. I’m 24, matured na ako. Those things are meant for teenagers, yung away-away na ganun.

“Hindi ako nagseselos, that’s just how it is.

“Andi and I had a good day and we’re still friends. May respect kami sa isa't isa.

“Baka kami pa? I don’t know, hindi naman.

“When we still had a relationship, we decided to be better off as friends na lang.

“Sometimes things work out, sometimes they don’t.

“It didn’t work out. Instead of being angry with each other, instead of may galit o may bitterness, friends na lang. Save na lang the friendship, 'di ba?

RESPECT FOR ANDI'S FAMILY. Hindi raw kaya isa sa rason kung bakit sila naghiwalay ni Andi ay dahil ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay hindi boto kay Bret para sa anak? Ganoon din daw ang sentimiyento ng nakatatandang kapatid ni Andi na si Gabby Eigenmann

Kibit-balikat niya, “That’s okay, that’s their personal decision, I respect all their family naman, all of them are nice people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s not because Kuya Gabby or Tita Jaclyn didn’t like me or something, it doesn’t mean that the whole family didn’t like me.

“My relationship with Ate Max, Kuya Geoff, it’s not like they didn't like me. They like me naman, but it’s like, they feel Jake is a better choice.”

LESSONS LEARNED. Nang tanungin namin kung ano ang natutunan niya sa naging relasyon nila ng aktres, para kay Bret ay normal na pagdaanan lang ng kahit na sino ang isang relasyon na maaring mauwi sa breakup.

“I don’t think it was like a learning experience naman, it was just a relationship that didn’t work out.

“That happens, ganun talaga ang buhay, you meet someone. If it works, it’s good; if it doesn’t, it doesn’t, so move on.

Sa kinauwian ng relasyon nila ni Andi, iwas na raw kaya si Bret na makipagrelasyong muli sa isang kapwa niya artista?

“It doesn’t matter if you're a celebrity or not. It’s about the person, what she is inside.

“Status doesn’t mean anything, money doesn’t mean anything. Yung tao who’s gonna love you, who’s gonna respect you, yun lang.

“You only need the love, respect, the trust, ganun lang,” deklara niya.

EXCITED FOR NEW TV SHOW. Mapapanood sa Wattpad Presents: Hot and Cold ang tambalan nina Bret at Ella Cruz bukas, May 18, mula Lunes hanggang Biyernes sa TV5.

Masaya namang nagkuwento si Bret na talagang kaabang-abang ang istorya at tandem nila ni Ella.

Bulalas niya, “It feels amazing dahil Wattpad ito, 'tapos kasama ko pa si Ella Cruz. Ang galing niya, grabe!

“Amazing! I think ito yung best Wattpad ng TV5.

“Yung mga last Wattpad ko, it was good naman pero ito parang bagay kami.

“Nandun yung chemistry 'tapos ang galing ni Ella, parang she brought me to a different level of acting, so nice talaga. Parang in-character ako talaga dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s been a long time since I’ve seen Ella, parang mga three years? We were in Star Magic dati.

“I saw her again sa taping namin, agad may connection kami. Nung mga taping days, it’s so good talaga, we had a super good connection.”

Hindi naman inilihim ni Bret ang paghanga niya sa kagandahan ng kanyang co-star.

“Crush? Feeling ko mayroon, ang ganda niya kasi,” natatawa niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN