Maxene Magalona not in a rush to fall in love again: “Siguro God is teaching me something—that I need to be by myself right now.”

Maxene Magalona is not in a rush to fall in love again: “Kasi before I get attached too easily, I fall in love too easily, too fast, too quickly. Now, I learn to take time, take it slow and be by myself muna. It’s really a choice. I just wanna date until such time I find the guy who will bring back the sparkle in my eyes.”


Naging usap-usapan si Maxene Magalona nang mag-post siya sa Instagram ng sexy photos niya habang nagbabakasyon sa Boracay may isang buwan na ang nakararaan.

Dito ipinasilip ni Maxene ang kaseksihan niya na hindi madalas masilayan ng mga tao.

Walang araw na hindi naka-two piece bikini si Maxene sa kabuuan ng Boracay vacation niya.

Bagamat may mga naasiwa dahil hindi raw sila sanay sa ganitong image ni Maxene, may mga pumuri naman sa kanyang kaseksihan.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Maxene sa "MAC is Beauty" launch noong Huwbes, May 14, napangiti siya nang malamang may mga sumusuporta sa pagpapa-sexy niya.

Sambit niya, “Thank you so much.

“Siyempre malapit na akong mag-thirty. Gusto kong i-enjoy ang aking beach body while I have it.

“And talagang hindi pa ako nagwu-workout sa lagay na yun.

“Pero definitely, pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar, I will dedicate more time to working out and living a more healthy lifestyle para naman mas bongga.”

May pinaghahandaan ba siyang change of image sa career?

Sagot ni Maxene, “No naman.

"Parang just in case lang naman for anything, I’m prepared.

"Saka I always have pictorial for Flawless.”

NOT KEEN ON POSING FOR MEN'S MAGS. Noon ay sinasabi ni Max na hindi siya magpu-pose nang sexy para sa adult entertainment magazines.

Ngayon bang nagbi-bikini na siya sa social media, bukas na siya sa possibility na mag-pose nang sexy?

Paglilinaw niya, “I'm willing to accept magazines, but not men’s magazine. Not yung sobrang sexy.

"Kasi, I don’t have anything against that. It’s not just part of my career plan.

“And my dad [the late Francis Magalona] really said to me before na ayaw sana niyang magganun ako.

“So, no talaga.

"Kung sa movie naman, depende sa script, depende sa story.

“Definitely not frontal nudity. Siguro, back?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganyan or ano, puwede sa akin, yung mga movies nina Scarlett Johansson na mga sexy.

“But, for as long as it’s done in good taste. Yun ang gusto ko. Hindi yung basta-basta.

“My mom [Pia Magalona] always taught me dapat may right planning, e.

"Ngayong I’m at the right age rin naman, siguro puwede na rin naman."


HAPPILY SINGLE. Single ngayon si Maxene at wala raw siyang idini-date.

Sabi niya, “It’s really a choice.

"I don’t want to date, although may mga nagpaparamdam.

"I realized na wala naman yung kilig factor. Huwag na lang ipilit."

Hindi kaya napaso siya sa pakikipagrelasyon?

“Hindi, e.

“Siguro God is teaching me something—that I need to be by myself right now.

"Kasi the longest that I was single before was five months. But now, one year na.

“So, that’s the longest time, since I was seventeen,” pahayag niya.

Ayon kay Maxene, matapos ang relationship niya kay Renz Fernandez, anak ni Lorna Tolentino, nagkaroon pa siya uli ng non-showbiz boyfriend.

Paliwanag pa ni Maxene, “Hindi naman sa napaso ako.

"I’m a very romantic person and I love love.

“I love to be in a relationship. I love loving people.

"But now, this time, siguro I’m wiser.

“Kasi before, I get attached too easily, I fall in love too easily, too fast, too quickly.

“Now, I learn to take time, take it slow and be by myself muna.

“It’s really a choice.

"I just wanna date until such time I find the guy who will bring back the sparkle in my eyes."

Umaasa rin si Maxene na ang magpapakilig sa kanya uli ay siya na rin sanang pakakasalan niya.

“Sana. That's what I said when I saw Saab and Jim got married in Baguio.

“I said, this is God's way of showing me that if love is not gonna be like this, you shouldn’t settle just because society is telling you na, 'Oy, ilang taon ka? Dapat ikasal ka na.' Hindi dapat ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi yung society ang nagdi-dictate sa 'yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN