apl.de.ap says music helps him "set the mood right" with a woman; hangs out with Anne Curtis

apl.de.ap on being linked to Pinay celebrities: “I’m just normal like, you know, having crushes and stuff like that. So, I haven’t been really in the tabloid with my relationship. But it’s fun. I find it very fun.”


Naniniwala ang Filipino-born American rapper, record producer at miyembro ng international group na Black Eyed Peas na si apl.de.ap na malaking tulong ang musika pagdating sa kanyang lovelife.

Ginagamit niya raw ang pagkanta para haranahin ang kanyang babaeng nagugustuhan.

Sabi ni apl, “Oh, yeah, I mean, I write about relationships all the time and, you know, what I go through or if I’m admiring a beautiful Pinay, you know what I’m saying?

“So, you know, it helps me to be romantic too. Music helps me set the mood right.”

Pinalad na maka-one-on-one interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si apl pagkatapos ng presscon ng MTV Music Evolution Manila 2015 kahapon, Mayo 17, sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

Isa siya sa main performers sa naturang music event na ginanap din kagabi sa Quirino Grandstand, kasama sina Gloc-9, Abra, at international artists na Naughty By Nature, YG, at DJ Cash Money.

Kumusta naman ang lovelife niya ngayon? May idine-date ba siya?

“Right now, I’m enjoying meeting a lot of… not a lot, I’m enjoying meeting beautiful Pinays!” sabay tawa ni apl.

ANNE CURTIS. Natawa ulit si apl nang usisain ng PEP kung sino ang bago niyang crush sa showbiz ngayon.

“Uhm, well, I’m just meeting… I got to hang out with Anne Curtis last night [May 16].

“She’s very fun. I didn’t know she was that fun.

“She was just normal, normal Anne.

“You know, you see her on TV all the time. And then hanging out with her you got to see a different side.”

Kumakanta rin si Anne. Sinubukan ba siyang kumbinsihin ni Anne para makipag-collaborate sa isang kanta?

Kuwento niya, “Actually, I was the one approaching her about a collaboration last night.

“‘Yo, Anne, we should do a song together.’ So, I’d like to do a song with her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Anne ay may boyfriend ngayon sa katauhan ng celebrity foodie na si Erwan Heussaff.

HANDLING INTRIGUES. Paano niya hina-handle ang mga intriga sa showbiz lalo na tungkol sa pagli-link sa kanya sa female celebrities, gaya na lang kay KC Concepcion noon?

Sagot ni apl, “Oh, I don’t know... I’m just admiring.

“I’m just normal like, you know, having crushes and stuff like that.

“So, I haven’t been really in the tabloid with my relationship.

“But it’s fun. I find it very fun.”

Hindi na raw niya sineseryoso ang mga ganitong isyu dahil alam naman niya ang totoo.

Sinasagot lang naman daw niya ang tanong kung sino ang crush niya. Kaya natutuwa na lang daw siya kapag nali-link siya sa mga babaeng artista.

Sino ba naman daw ang hindi matutuwa kung sa maganda naman siya nali-link.

Kaysa intindihin ang mga intriga, mas gusto raw pagtuunan ni Apl kung paano niya mapapasaya at pasasalamatan ang kanyang mga supporter.

“I just wanna thank all the supporters for all their support.

"Without them, there wouldn’t be me, so I’m just really thankful for their support."

HELPING ASIAN SINGERS. Samantala, tuluy-tuloy naman si Apl sa pagtulong sa mga singers, hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa sa Asya, na gustong magkaroon ng career sa recording sa pamamagitan ng kanyang music label na BMBX Entertainment.

Isa na nga riyan ang Team Apl finalist ng The Voice of the Philippines season one na si Jessica Reynoso.

Bukod kay Jessica, tinutulungan din ni Apl ang half-Pinoy, half-Singaporean young singer na si Miguel Antonio.

Puring-puri nga niya si Miguel, na bumisita kamakailan dito sa Pilipinas para mag-record ng kanta.

Sabi ni apl, “Miguel Antonio, he’s like a very talented kid.

“He writes his own songs, he plays piano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He’s a goodlooking kid and he’s a very sweet young artist.

“I mean, girls, you know, they’re gonna fall in love with Miguel Antonio.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN