Lotlot de Leon open to have another baby: “Kung puwede, bakit hindi?”

From zero lovelife to her happy relationship with her non-showbiz boyfriend and thriving showbiz career, Lotlot de Leon believes it is all happening according to God’s plan. She says, "I don’t think I prayed for anything that God didn’t give, even if it took a long time…"


Going strong ang relasyon ni Lotlot de Leon at ng boyfriend niyang si Fred El-Soury, isang Lebanese businessman na naka-base dito sa Pilipinas.

Kaya masaya si Lotlot na maayos ang sitwasyon ngayon ng career niya at ng kanyang personal life.

“God is good!” bulalas ng aktres.

Pero bago niya nakilala ang kasintahan ngayon ay matagal na panahon na wala siyang lovelife, pagkataopos nilang maghiwalay ng dati niyang mister na si Ramon Christopher.

Lahad ni Lotlot sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Before kasi, iniisip ko, maybe you really can’t have everything at once.

“But maybe I want to prove myself wrong by saying that, or maybe it is possible to have everything all at once.

“You just need to pray a lot and then to believe that it will happen, and God will grant it.

"I don’t think I prayed for anything that God didn’t give, kumbaga, even if it took a long time…

"Like when I was a kid, I wanted to meet my biological parents, I did!

"I wanted to win an award, I did.

“So siguro, slowly but surely, God just wants to make sure that you have faith in Him.

“And you really believe and kung mabuti ka naman sigurong tao, ibibigay naman sa iyo ng Diyos.”

Apat ang mga anak ni Lotlot kay Ramon Christopher; sina Janine Gutierrez at mga kapatid nitong sina Jessica, Diego, at Maxine.

Nais pa ba niyang magkaanak?

Sagot niya, “Kung puwede, bakit hindi? Kung kaya pa.”


THEIR CHOICE. Sa apat na anak ni Lotlot ay si Janine pa lamang ang artista.

Dahil namana ng tatlo ang good looks ng kanilang mga magulang, marami ang nagsasabing puwede rin nilang pasukin ang showbiz.

Papayagan ba ni Lotlot ang mga ito sakaling magdesisyon ang mga ito na mag-artista rin?

“Puwede. Basta sigurado sila na gusto nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like with Janine, she has to be sure that this is what she wants.

“She cannot complain na mapupuyat siya kasi she was the one who chose to be in this industry.

“Hindi ko siya pinilit, ni hindi ko sinabi sa kanyang mag-artista siya.

“So, kung gusto man nung tatlo na mag-artista, they have to be sure that this is what they want.

“Na kaya nila yung hardships na kasama ng pagiging artista, kasi hindi naman talaga madali, e.”

Sino sa tatlo ang kinakakitaan niya ng potensiyal o ng kagustuhan na maging artista rin?

Sabi ni Lotlot, “Aba, anything is possible! Puwedeng silang tatlo pa, Jessica, Diego and Maxine.”


MORE DRAMA. Noong December at April ay magkasunod na nanalo si Lotlot ng acting awards para sa performance niya sa Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Itinanghal siyang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival at Pinakapasadong Katuwang Na Aktres mula naman sa PASADO Awards.

Tulad ng alam na lahat, comedy ang role ni Lotlot sa Kubot.

Biro nga niya sa acceptance speech niya, sa dami na ng iniluha at iniiyak niya sa mga proyektong nagawa niya ay sa comedy pala siya mananalo ng acting award.

Nais ba niyang sa susunod na parangalan ang husay niya bilang aktres ay sa drama naman?

Sagot niya, “Okay lang, kahit ano.

"Pero sana kung may drama, maganda... kasi, oo, I want to win in a drama.”

At may mga role pa raw sa pelikula o telebisyon na hindi pa niya nagagawa na gusto niyang gawin.

“Marami pa siguro.”

Samantala, sa May 25 ay magsisimula nang umere ang My Mother’s Secret, ang bagong drama series sa GMA kung saan isa si Lotlot sa mga tampok na artista.

Sa direksyon ni Neal del Rosario, makakasama ni Lotlot sa programa sina Gwen Zamora at Christian Bautista, at ang tambalan nina Kim Rodriguez at Kiko Estrada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin dito sina Enzo Pineda, Diva Montelaba, Joanna Marie Tan, Meryll Soriano, at Shamaine Centenera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN