Susan Roces refuses to comment on daughter Sen. Grace Poe’s possible Presidential bid

Hindi nagkomento si Ms. Susan Roces kung tatakbo nga ba o hindi ang kanyang anak na si Senator Grace Poe sa presidential elections sa 2016, pero sinabi niyang nagdadasal siya para sa guidance ng anak.


Nagbigay ng kanyang komento ang veteran actress na si Susan Roces sa usaping pagtakbo diumano bilang Pangulo ng Pilipinas ng anak niyang si Senator Grace Poe-Llamanzares sa 2016 elections.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang miyembro ng press ang 73-year-old actress tungkol dito bago siya makaalis sa ginanap na announcement ng upcoming ABS-CBN teleserye na FPJ's Ang Probinsyano ngayong Lunes ng hapon, May 18.

Ano ang masasabi ng Queen of Philippine Cinema sa balitang pagtakbo ng kanyang anak bilang Presidente sa 2016?

Sagot ng kabiyak ng yumaong si Fernando Poe Jr., “I'm not in the position to comment on that.

“But as her mom, I constantly pray for guidance para sa kanya.

“Whatever the future holds for her, my main concern as a mother is her happiness and her safety, and her health.”

Aminado man si Susan na natutuwa siya sa pagiging matunog ng pangalan ng kanyang anak para sa pinakamataas na posisyon, alam daw niyang malaking responsibilidad ang pagiging chief executive ng isang bansa.

“Bilang ina, nakakataba ng puso na ganun ang reaksiyon nila.

“Sa isang banda, mahirap na trabaho 'yan. Hindi mo basta-basta pinaplano 'yan.”

Naging kontrobersiyal ang pagkatalo ng yumaong asawa ni Susan na si FPJ noong 2014 Presidential elections noong 2014 laban sa naluklok na Pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo.

CONTINUING PNOY'S LEGACY. Sa eksklusibong panayam ng isang AM radio noong nakaraang linggo, inamin ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III na nagkausap na sila ni Senator Grace, at kumpiyansa siyang maipagpapatuloy ng senadora ang adhikain ni PNoy sa anim na taon niyang panunungkulan.

Pero sa June pa raw ihahayag ng Pangulo kung sino talaga ang magiging standard bearer ng kanilang partidong Liberal Party.

Read: PNoy all praise for Pia Wurtzbach; believes Senator Grace Poe can continue what he has started

Ano ang masasabi ni Susan sa sinabi ng Pangulo tungkol kay Senator Grace?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Sa pinagdaanan ni Presidente Noynoy, talagang sineryoso niya ang pagtatrabaho niya bilang Pangulo.

"At sa ayaw man at sa hindi, aminin natin na malaki ang pagbabago, lalo na sa ating image sa international crowd.

“Unti-unting nabi-build na naman yung tiwala sa ating bansa, na honest tayo.”

Dagdag pa ng beteranang aktres, “Hindi puwedeng asahan sa iisang Pangulo na lahat ay magagawa sa isang termino sapagkat lahat ng problemang ito ay naipon sa loob ng maraming Presidente.

“Hindi naman tama na isisi sa bawat Presidente ang mga pangyayari, kasi kasama na diyan ang mga pangyayari sa paligid natin, which is beyond our control.

“Ang aking panalangin ay magkaroon tayo ng tiwala, bilang mamamayan, sa mga namumuno sa atin.”

Kumpiyansa ba siyang maipagpapatuloy ng kanyang anak ang nasimulan ni PNoy kung ito ang mailuklok na Pangulo sa 2016?

Sagot ni Susan, “Lahat naman tayo, yun ang gusto natin mangyari.

“Kaya dapat ipanalangin natin na kung sino man [ang manalo], ang makakapagpatuloy niyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN