Kris Aquino clarifies past relationship with Mayor Herbert Bautista: "We were never lovers."

Kris Aquino on her movie project with Mayor Herbert Bautista: “Tinanggap ko kasi I’ve never done something like this. Lahat ng projects ko, I’ve never been able to do a full-length romance. Sa edad ba naman namin, aakalain pa ba namin na merong adult romance na puwedeng maganap?”


Biyernes, May 15, nang magharap sa isang meeting sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista kaugnay ng pelikulang gagawin nila sa Star Cinema.

Romantic-comedy ang tema nito na ididirehe ni Antoinette Jadaone, na siya ring nagdirek ng hit movies na That Thing Called Tadhana at English Only Please.

Read: Kristek to hit the big screen! Kris Aquino and Herbert Bautista to work together in a movie

Nang mapag-usapan nga ang tungkol dito sa Aquino and Abunda Tonight kagabi, May 18, iba ang ngiti ni Kris na halatang excited sa nabanggit na proyekto nila ni Mayor Herbert.

Sabi ng Queen of All Media, “Siguro kung a year ago, hindi natin iisipin na mangyayari ito.

“Tinanggap ko kasi I’ve never done something like this.

“Lahat ng projects ko, I’ve never been able to do a full-length romance.

“Sa edad ba naman namin, aakalain pa ba namin na merong adult romance na puwedeng maganap?”

Dagdag pa ng 44-year-old TV host-actress, “Why not, ‘di ba?

“Oo, kasi kung sa personal na buhay, hindi ko ito gagawin.

“Dahil baka naman every day, after shooting, umuuwi akong umiiyak.

“Pero ngayon, excited ako dahil every day, after shooting, feeling ko nakatawa na ako.

“It’s a fun story. It’s a happy story na kahit ano, mga kids, age ko… lahat, parang maka-capture niya ang lahat ng age.”

NOTHING HAPPENED. Muling nangiti si Kris nang sabihin ng co-host niyang si Boy Abunda na at least she was able to reach out and communicate with with Mayor Herbert.

“Care of Direk Tonette!” reaksiyon ni Kris.

May mariin ding paglilinaw si Kris sa sapantaha ng marami sa naging relasyon sila ng actor-politician.

Sabi niya, “We were never lovers po.

“I will just clarify that nothing ever happened.

“Clarification, nothing happened."

Ang ibig tukuyin ni Kris, kapag sinabi raw kasing "lovers" ay may nangyari sa kanila. Pero diin nga ng TV host-actress, walang nangyari sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually po, just to make it clear also, the story will be told to the eyes of our children.

“And obviously in this movie, ang anak ko would be Bimby [Kris’s real-life son].

“And ang daughter niya [Herbert] dito… he will have two daughters.

“One daughter would be played by Jana from Dream Dad, so it’s really exciting.

“It’s something that we are all looking forward to doing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN