Janice de Belen on being linked to Gerald Anderson: “Wala bang ibang mas sexy or mas maganda? Bakit ako?”

Janice de Belen says she is not keen on clearing up her name on rumored involvement with Gerald Anderson. She explains, “Kasi feeling ko, wala nang point kasi naniwala na lahat, e.”


“Bakit ako?”

Ito ang tanong ng aktres na si Janice de Belen sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayang Gerald Anderson at Maja Salvador.

Kinumpirma ni Gerald ang paghihiwalay nila ni Maja noong April 14, pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Read: Gerald Anderson and Maja Salvador “taking a break” from their relationship

Sa paghihiwalay nina Gerald at Maja, lumutang ang pangalan ni Janice na siya umanong third party.

Itinanggi na nina Maja at Gerald, sa magkahiwalay na interviews, ang akusasyon at sinabing walang basehan ang pagkakasangkot ni Janice sa kanilang breakup.

Read: Maja Salvador speaks up about moving on after split from Gerald Anderson; defends Janice de Belen

Gumanap bilang mag-ina sina Janice at Gerald sa teleseryeng Budoy noong 2011, at gumanap namang mag-ina sina Janice at Maja sa Ina, Kapatid, Anak noong 2012.


JANICE SPEAKS UP. Nitong Martes, May 19, lumabas sa ABS-CBN News Online ang interview ni Jeff Fernando kay Janice.

Pahayag ni Janice, maging siya ay clueless sa pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa kontrobersiya.

“Kasi, kahit ako, hindi ko alam. Bakit ako?

“Wala bang ibang mas sexy or mas maganda? Bakit ako?

“I feel na lahat sila, parang yun din ang tanong, ‘Bakit siya?’”

Sa nasabing ulat, ayaw na ring ipagtanggol ni Janice ang sarili mula sa nasabing isyu.

Saad niya, “Kasi feeling ko, wala nang point, kasi naniwala na lahat, e.

“Ano pang point para klaruhin ko yung issue or para i-deny ko or whatever when everybody already believed it?

“Kaya sabi ko, huwag na.

"Kasi kapag persistent na masyado, Instagram na lang. Ganun na lang kasimple.

"Isip ka na lang ng pinakamadali—parang your point will get through so yun na lang."

April 21 nang mag-post si Janice ng makahulugang mensahe sa Instagram na tila reaksiyon niya sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan nina Gerald at Maja.

Read: Janice de Belen reacts to rumored romance with Gerald Anderson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sanay na raw ang 46-anyos na aktres sa mga tsismis pero mas nabahala siya sa epekto nito sa kanyang mga anak.

Sabi ni Janice, “Ilang taon ko na ba ginagawa ang pag-aartista?

"So, para sa akin, sanay na ako na natsitsismis.

“Of course, ang worry ko lang was my children. Tinanong lang nila ako.

"Tapos sinagot ko na yung katanungan, klaro na. Alam na kaagad nila."


STILL FRIENDS WITH GERALD. Sa kabila ng isyu, sinabi ni Janice na nananatili silang magkaibigan ni Gerald.

“Hindi naman [kami awkward]. Wala lang talaga kaming chance na magkita.

“Alam mo, naisip ko ‘yan. Paano kapag nagkita kami?

"Kasi more than the tsismis itself, nakakasira kasi yung tsismis ng friendships.

"So feeling ko, dapat ba akong umiwas? Dapat ba 'wag ko na lang siya pansinin?

"Or dapat ba kapag nakita ko siya, tumakbo ako palayo para wala na lang masabi yung tao?

“‘Di ba, dapat ang basis ng friendship niyo, kung magkaibigan kayo, kahit ano pa ang sabihin ng ibang tao, dapat walang magbago?

“Although I really thought about that para wala na lang masabi ang tao.

“But then, if you do that, mukha akong guilty, ‘di ba?

"That’s why I never bothered to take down any pictures from my Instagram.

"I never bothered to unfollow anybody kasi, bakit?"

Thankful din si Janice kina Gerald at Maja sa pagtatanggol at respeto sa kanya sa gitna ng isyu.

“Hindi naman nila kailangan gawin because there really is no reason to.

“Siguro out of their respect and their love for me kaya nila ginawa yun.

"I am really very thankful," sabi ng aktres.

Kung magkita man daw sila ni Gerald, babatiin pa rin niya ito at hindi maiilang.

“I will still hug him as tight. I will still be that close to him kasi wala naman talaga. It’s really weird,” sabi ni Janice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN