Bela Padilla returns to ABS-CBN; wants to seal her place as a Kapamilya

Bela Padilla is Coco Martin’s leading lady in the TV adaptation of FPJ’s Ang Probinsyano.


Balik-Kapamilya ang aktres na si Bela Padilla.

Siya ang magiging leading lady ni Coco Martin sa TV adaptation ng dating pelikula ng yumaong si Fernando Poe Jr. na Ang Probinsyano (1997).

Kasabay ng announcement nitong May 18, Lunes, na pagbibidahan ni Coco ang upcoming teleserye ng ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano, inanunsiyo rin na magiging leading ladies ng award-winning actor sina Bela at Angeline Quinto.

Pagbibigay-alam din ito ng pagbabalik ni Bela sa bakuran ng ABS-CBN pagkatapos ng pagiging Kapuso sa loob ng limang taon.

Pahayag ni Bela tungkol sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN, “It’s nice.

"Sabi ko, it’s homecoming.

"My first-ever presscon was in this room, so I started here.

“It’s good to be back and I’m excited to work.”

Inilunsad si Bela bilang bahagi ng Star Magic Batch 15.

Ibinahagi ni Bela na noong 2014 pa niya pinaplano ang paglipat sa Kapamilya Network.

“Parang alam ko naman na this is where I am going.

"I’ve been planning this for a year.

“I am just happy it went this fast. I didn’t have to wait for too long.

"And I’m just happy that my first project is this big."

Sinabi rin ni Bela na maayos siyang nagpaalam sa Kapuso Network tungkol sa kanyang paglipat.

“Nagpaalam naman ako nang maayos sa GMA, so alam naman nila na this is where I was going.”


WHY BELA TRANSFERRED. Hindi ba nagkaroon ng counter-offer sa kanya ang GMA?

Ayon kay Bela, “There was, but I just felt like I wanted to try something new also.

“Parang as an actor, I was looking for something else to do.

"It’s not that I was bored, pero medyo nauulit na yung ginagawa ko dati."

Ang huling proyekto ni Bela bilang isang Kapuso ay ang Sa Puso ni Dok (2014).

Patuloy niya, “Also, I just turned 24, I have to look out for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m thinking of how long I want to stay here in showbiz and how I’m gonna protect my career in showbiz.

“Right now, this is what I feel is right for me.

"I’m not saying this is the perfect path, pero for me, I feel like it is."

Pag-amin pa ni Bela sa paglipat niya sa ABS-CBN, “Right now, my offer here is better.

"Parang mas okay ang magiging posisyon ko."

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): Ano ang inaasahan niyang makamit sa kanyang teleserye kasama si Coco Martin?

Sagot ni Bela, “I just wanna seal my place as a Kapamilya. That’s really it.

“I want to tell people, I’m here, I’m a Kapamilya.”

Tiniyak din ni Bela na hindi siya napabayaan sa kabila kaya nagdesisyon siyang lumipat.

“Actually, hindi.

"Kung napabayaan ka, hindi nila fault 'yon, e, fault mo 'yon kung bakit ka pinabayaan.

“I never blame any people whatever happens to me.

"I’m in a good place right now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN