Maris Racal admits being affected by Manolo Pedrosa’s loveteam with Janella Salvador

Maris Racal on loveteam partner Manolo Pedrosa’s teamup with Janella Salvador: “Siyempre po ano… nakaka-lonely rin. Mas maraming mangyayari sa loveteam niyo kapag solid talaga kayo. Pero that’s the way it is naman din po kasi in showbiz.”


Aminado si Maris Racal na bagamat magkaibigan lamang ang turingan nila ng ka-loveteam na si Manolo Pedrosa ay attracted siya sa binata.

Kailan niya unang naramdamang mayroon siyang pagtingin sa dating co-housemate sa Pinoy Big Brother All In?

Sabi ni Maris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “After PBB po kasi, maraming times kaming nagkasama.

“So, napapansin ko na sobrang close sila ng mother niya. Sweet na sweet sila.

“Doon ako naa-attract kasi, no guy na gustong masaktan ang girl.

“Kung close sila ng mommy niya, natatakot siyang saktan ang isang girl.

“Yun ang point of view ko kapag close na close ang guy sa mom niya.”

Posible bang maging more than friends sila?

Nakangiting sagot ni Maris, “Open naman po ako.

“Open naman po ang heart ko. Single naman po ako.

“Pero napapaisip po ako kapag yung mga boys, nagbibigay ng motibo.”

Yun nga lang, naipapareha rin sa iba si Manolo.

May sariling following na rin sina Manolo at Janella Salvador dahil sa morning serye nila sa ABS-CBN na Oh My G!

May kanya-kanya ring hukbo ng mga tagahanga ang dalawang loveteams.

Sabi ni Maris tungkol dito, “Siyempre po ano… nakaka-lonely rin.

“Mas maraming mangyayari sa loveteam niyo kapag solid talaga kayo.

“Pero that’s the way it is naman din po kasi in showbiz.”

DANIEL MATSUNAGA. Sa loob ng Bahay Ni Kuya noon ay naugnay si Maris sa Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga, na siyang idineklarang Big Winner.

Ngayong kumpirmado na ang relasyon ni Daniel kay Erich Gonzales, wala ba siyang selos na naramdaman?

“Wala,” nakangiting sagot ni Maris.

“Actually, yun nga ang sinasabi ng mga tao na nagseselos daw ako. Pero hindi…

“Actually, kinikilig nga ako, kasi ang sweet-sweet nilang dalawa, e.

“Showy sila toward each other, ang sweet nila, yung mga posts nila.”

“Bata” kung tawagin siya noon ni Daniel. Hindi ba talaga siya nagkamalisya sa naging sweetness nito sa kanya noon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ni Maris, “Wala, kuya naman talaga ang tingin ko sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN