Arnell Ignacio ventures into talent management; launches new singer Ken Psalmer

Arnell Ignacio, who has ventured into talent management, called for a pocket presscon to introduce his first talent Ken Psalmer, a singer he met and discovered at The Library sing-along comedy bar.


Nagpatawag ng pocket presscon si Arnell Ignacio kahapon, May 19, upang ipakilala ang kauna-unahang talent na mina-manage niya.

Ito ay ang baguhang singer na si Ken Psalmer, na nakilala at nadiskubre raw niya sa sing-along bar na The Library sa Malate, Manila.

Kuwento ni Arnell, "Di ko nga alam na entertainer siya, e.

"Kasi nga, hindi naman siya bida, e. One of those lang.

"Kaya lalo akong naano, kasi magaling siya, e.

"Tapos nung pumunta kami sa Polari [isang comedy bar], sumampa siya, nagulat ako, ang galing niya.

"Kasi yun ang element niya, banda.

"E, sa sing-along, ano naman ang... unang-una, ang tabil ng dila nito kapag nagpatawa, so may masasapawan.

"Hindi naman lahat kaya yun, e.

"At saka nakita ko, after the set, pagod, malungkot, kasi hindi niya gusto, e.

"He wants to sing, hindi para magpatawa.

"Oo, ako, napapatawa niya madalas."

Si Ken ay lead vocalist sa isang banda na nanggaling na sa iba't ibang Asian countries.

Bakit nga ba all these years, ngayon lang naisipan ni Arnell na humawak ng talent?

Natatawang sagot niya, "Actually, ngayon ko lang naisip na ang tawag pala rito ay pagmama-manage.

"Seryoso ako.

"Nung magkausap kami tungkol sa karanasan niya sa entertainment field, battle-scarred na pala ito.

"Lahat ng karanasan ko sa entertainment, sa kanya, i-multiply mo by a thousand.

"Naku, kung ako 'yan, atras na ako!

"Ipadala ka sa China, two years, magkano lang sahod mo? Sa’n ka natutulog?

"Kasama mo gold fish, mamamatay ang gold fish dahil sa lamig, and you're alone?

"Tapos ang nanay mo, aatakihin, 'di ka makakauwi kasi hindi ka naman special entertainer, e.

"Buti ako, ang bilis kong nalampasan yun."

May usap-usapan namang si Ken daw ang bagong nagpapatibok ng kanyang puso. Totoo ba ito?

Natatawang sagot ni Arnell, "Naku, alam ko namang huhulaan na naman nila nang ganyan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Biro mo, fifty-one na ako, kinikilig pa rin ako!

"Kasundo siya ng anak [ko], at natutuwa naman siya dahil nakikita niyang ang saya-saya ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN