Gerald Anderson to Janice de Belen: "Stay strong. I am always here for you."

Gerald Anderson posts words of encouragement for Janice de Belen amidst rumors that the veteran actress is the reason why he and ex-girlfriend Maja Salvador broke up. Says Gerald in his Instagram post today, May 20: “Stay strong@super_janice. Love you always... I’m always here fo you... Sorry for the Bull$h!t..”


Ipinagtanggol ni Gerald Anderson, 26, si Janice de Belen, 46, laban sa mga patuloy na nambabatikos sa beteranang aktres.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw, May 20, ibinahagi ni Gerald ang isang larawan kung saan makikitang nakayakap siya kay Janice.

Gumanap bilang mag-ina ang dalawa sa teleseryeng Budoy (2011).

Kalakip nito ang caption kung saan humingi ng dispensa si Gerald kay Janice.

Bagamat hindi nagdetalye si Gerald, tila may kaugnayan ito sa isyu kung saan si Janice ang itinuturong third party sa breakup ng Kapamilya actor at ni Maja.

Sabi ni Gerald: “Stay strong@super_janice

“Love you always...

“I'm always here fo you...

“Sorry for the Bull$h!t..”

Ilang minuto matapos ibahagi ni Gerald ang kanilang larawan ni Janice, makikitang sumagot ang beteranang aktres sa comments thread ng naturang Instagram post.

Sabi ni Janice bilang sagot sa mensahe ni Gerald:

Nitong nakaraang Martes, May 19, matatandaang nagbigay ng pahayag si Janice na ayaw na niyang depensahan ang sarili kaugnay ng kanyang pagkakasangkot sa hiwalayang Gerald at Maja.

Sabi ni Janice, “Kasi feeling ko, wala nang point, kasi naniwala na lahat, e.

“Ano pang point para klaruhin ko yung issue or para i-deny ko or whatever when everybody already believed it?”

Sa kabila nito, iginiit ni Janice na nananatili silang mabuting magkaibigan ni Gerald at hindi siya maiilang sakaling magkita ulit sila ng aktor.

“I will still hug him as tight. I will still be that close to him kasi wala naman talaga. It’s really weird."

Read: Janice De Belen on being linked to Gerald Anderson: "Wala bang ibang mas sexy or mas maganda? Bakit ako?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN