Christian Bautista believes in adoption if he wants a kid now

Christian Bautista tackles an emotional role in My Mother’s Secret that challenges him to a hilt. He says. "Ang laki ng demands and ang hirap... kailangan kong humukay ng mga nabaon ko na, yung mga ganun.”


Personal na paniniwala ni Christian Bautista na kahit gusto na niyang magkaanak, importante na mauna pa rin ang kasal.

Paano kung ilan taon pa ang lilipas at hindi pa rin niya natatagpuan ang babaeng pakakasalan niya, pero gustung-gusto na niyang magkaroon ng anak?

“I’ll adopt!” mabilis na sagot ni Christian.

Bakit naman mag-aampon siya kung puwede naman siyang magkaroon ng tunay na anak?

“Uy, it’s so noble, ha, adopting.”

Bakit nga hindi sarili niyang anak?

Paliwanag ng Kapuso singer-actor, “Kasi nga, that’s my belief, you get married first then have the child.

“Pero adopting, it’s so noble, kasi binibigyan mo [ng panibagong buhay] ang isang anak na tinapon ng kanyang pamilya.

“Aangkinin mo na parang sa iyo... ipo-promote ko ‘yan, ‘Please adopt!’”


OPTION. Nanindigan si Christian na kaya niyang mag-ampon in the future kapag wala pa siyang asawa at mga anak.

“Oo, puwede. May tinanong din sa akin, e, ngayon single ako, ‘Magde-date ka ba ng isang babaeng may anak na?’

“Yeah, yeah, kasi tapos na yun, e, nangyari na.

“So, sino ba naman tayo na parang… tayo ba walang pagkakamali?

“Lahat naman tayo meron, e, so okay lang sa akin yun.”

Kung may susulpot na isang babae at magke-claim na naanakan siya ni Christian, ano ang gagawin niya?

“Ang dali-dali, DNA testing lang 'yan!” natatawang sabi niya.

Ikagugulat ba ni Christian kung may lalabas na bata na anak pala niya na hindi niya agad nalaman?

“Alam ko ang mga pinaggagawa ko.

"'Akin na ang mga buhok niyo para ma-DNA testing natin.

“'Akin na ang toothbrush mo, akin na ang dugo mo!’”


MOST CHALLENGING. Napag-usapan ang fatherhood at adoption nang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entrtainment Portal) si Christian sa presscon ng My Mother’s Secret noong May 19, sa GMA Network Center.

Unang beses kasi ni Christian na gaganap sa isang father role, at nagdalawang-isip daw siya bago niya tinanggap ang offer para sa nasabing teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya nakumbinsi?

Sabi niya, “Inalala ko, ‘Teka, thirty-three na ako, a! Puwede na nga akong mag-father role.’

“Papunta na rin naman ako dun.”

Ang papel daw niya bilang si Anton sa My Mother’s Secret ang maituturing ni Christian na pinakamahirap at pinaka-challenging na papel niya sa kanyang buong career bilang artista.

“Breaking point, parang, ‘Kaya ko ba ‘to?’

“Parang ganun, hindi ko alam kung kaya ko ba ‘tong role na ‘to.

“E, with the support of the director and our producers and acting coaches, talagang makukuha naman.”

Maraming intense drama scenes sa My Mother’s Secrets na eere na sa May 25.

Nagdalawang-isip ba siya nang ialok sa kanya ang mabigat na papel sa naturang GMA drama series?

“Nag-second thoughts ako nung nandun na ako!” natawang pag-amin ni Christian.

“Nung nandun na ako, parang, ‘Wow!’ Ang laki ng demands and ang hirap.

"Talagang kailangan kong humukay ng mga nabaon ko na, yung mga ganun.”

Good and bad memories daw ang mga iyon.

“Alam niyo na yun! Ikinuwento ko na sa inyo lahat yun dati pa, the past thirteen years.

"So, yung mga hugot feelings na ‘yan, kailangan, e, gamitin mo sa eksena, nakukuha naman."

END OF CONTRACT. Magta-tatlong taon na si Christian sa GMA at hanggang ngayong taon na lamang ang kontrata niya sa network.

Pipirma ba siya ng bagong kontrata o mangingibang-bakod siya sa ibang TV station?

Tugon niya, “Hindi ko pa alam. Wala pa.

“Ayoko pa po munang mag-comment on that kasi I’m enjoying what I have now.

“Naisip ko rin, e, yung bigyan ka ng show… that’s responsibility, that’s a risk.

“They’re taking a chance on you and ang sarap ng value.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN