Kris Aquino on movie with Herbert Bautista: "Gusto kong masagot yung mga ’what if.’"

When asked if Kris Aquino’s relationship with Mayor Herbert Bautista in their movie project will be strictly professional, the Queen of All Media replied: “Hindi naman namin gagawin ito kung walang personal. Hindi ko kayo bobolahin, meron, may personal na reason. Inamin ko ’yon, na gusto kong masagot ’yong mga ’what if.’”


“Huwag magpakatanga the second time around.”

Ito raw ang personal na limitasyon ni Kris Aquino sa kanyang pakikipagtrabaho kay Quezon City Mayor Herbert Bautista sa isang pelikula.

Ang Saving Forever For You (working title) ang unang proyekto nina Kris at Herbert matapos silang ma-link romantically.

Hindi itinanggi ni Kris na may personal siyang dahilan kung bakit siya pumayag gawin ang pelikula, kahit hindi nauwi sa maganda ang papausbong pa lang sanang relasyon niya noon kay Mayor Herbert.

“No, of couse not, huwag tayong maglokohan na strictly professional,” sagot ni Kris nang tanungin kung strictly professional lamang ang magiging relasyon nila ni Herbert habang ginagawa ang pelikula.

Dagdag pa niya, “Siyempre, may personalan ito.

“Hindi naman namin gagawin ito kung walang personal.

“Hindi ko kayo bobolahin, meron, may personal na reason.

“Inamin ko 'yon, na gusto kong masagot yung mga 'what if.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Kris matapos siyang ipakilala bilang bagong endorser ng courier service provider na LBC ngayong Miyerkules ng gabi, May 20.

Nabanggit din ng TV host-actress na ang pelikulang ito ay para rin kay Mayor Herbert, na naging tampulan ng mga negatibong komento dahil sa naunsiyaming relasyon nila ni Kris.

Ayon sa Kris TV host, “Tinanong ko rin naman siya, sinabi ko rin sa kanya na he became sensitive, kasi hindi rin naman siya sanay sa ganung level ng bashing.

“Sa kanya, ang bashing ay hindi nakolekta ang garbage or mataas ang building permit or mataas ang binabayaran na business permit.

“So, noong nagkausap kami nang masinsinan, sinabi niya na, 'Ganyan ba talaga?'

"Sabi ko, 'You know, your number one defense is your good sense of humor. The best thing we can do is to give them a product that we can be proud of.'

“Sabi ko naman sa kanya, 'The very fact na ang director of the moment, si Direk Antoinette Jadaone, e, na-excite gawin ito, magtiwala na lang tayong dalawa.'”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jadaone ang direktor ng blockbuster movies na That Thing Called Tadhana at English Only Please.


NO VISITORS ALLOWED. Inamin din ni Kris na kapag nagsimula na silang mag-shoot para sa pelikula, ipagbabawal ang mga bisita sa set.

“Kasi wala akong bakas dito, talent fee lang,” sabi ni Kris, na naging co-producer sa mga pelikula niya noon.

Ang pelikula nina Kris at Herbert ay ipo-produce ng Star Cinema.

Patuloy ng Kapamilya star, “Siyempre, mayroon na silang fear. Iba kung yung pera mo ang on the line.

“Kung pera mo ang on the line, gagawin mo ang lahat para matapos ang pelikula.

“Kung nakasuweldo ka at wala ka nang on the line na 'to, puwede kang magpaka-brat, na hindi ko naman gagawin.

“Siyempre, 'di ba, puwedeng magkaroon ng nananadya?

“Ayaw ko namang may makita akong hindi ko type makita.

“I'm sure, siya rin naman, ayaw niya ng may makita siya roon na hindi niya gustong makita.

"So, may mga rules na kami."

Sa ngayon ay marami pa raw dapat klaruhin at ayusin bago sila makapagsimulang magtrabaho.

“May mga political implications din that suddenly came to that. Nire-review ngayon ng mga lawyers ang mga rules ng Comelec," sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN