Kim Rodriguez on why she hasn’t said ’yes’ yet to Kiko Estrada: "Hindi pa po ako ready."

Kim Rodriguez on loveteam with Kiko Estrada: “Okey sa akin, gusto ko. At saka, maganda rin naman po, may chemistry rin naman kaming dalawa. At saka, bakit hindi nila subukan ang KimKo naman ang loveteam ngayon, ‘di ba?”


“Hindi naman, bakit naman ako mapi-pressure?”

Ito ang nakangiting sagot ni Kim Rodriguez nang tanungin tungkol sa paulit-ulit na pagpapaamin sa kanila ni Kiko Estrada ng totoong estado ng relasyon nila.

Nakaka-pressure ba na palagi silang tinatanong at tila pinipilit na silang umamin, katulad ng nangyari sa presscon ng bago nilang teleserye, ang My Mother’s Secret, noong May 19?

Ayon kay Kim, “Hindi naman ako nagsisinungaling.

“Kung nagsisinungaling ako, mapi-pressure kang talaga.

“Pero kung nagsasabi ka naman ng totoo, ‘di ba?”

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Kiko na hindi pa siya sinasagot ni Kim.

Read: Kiko Estrada on Kim Rodriguez: “Ipapakita ko sa kanya na kaya kong maghintay, nandito lang ako, yun yung pagmamahal.”

Pahayag naman ni Kim tungkol dito, “Napag-usapan din po kasi namin na focus muna kami sa trabaho namin ngayon.

“At saka mahirap magsalita nang tapos hangga’t hindi ka pa ready.”

Ano ba ang dahilan at hindi pa siya handang makipagrelasyon kay Kiko, gayong may apat na taon na yatang nanliligaw sa kanya ang kapareha?

Paglilinaw ng 20-year-old Kapuso actress, “Hindi naman… mga apat na taon kaming magkakilala.

“Pero niligawan niya lang ako noong Strawberry Lane.

“Pagkakaalala ko, Strawberry Lane… basta last year yata yun.

“Pero may contact kami sa isa’t isa kahit noong nasa kabila siya.”

Ang tinutukoy ni Kim ay noong panahong nasa bakuran pa ng ABS-CBN si Kiko.

THE REAL SCORE. Yun nga lang, tila halos lahat ng entertainment press ay hindi naniniwalang wala pa silang relasyon.

Ano ang masasabi niya rito?

“Opo nga, parang hindi sila naniniwala. Pero, ano po ang magagawa ko kung yun ang totoo?” sagot ni Kim.

Madalas kasi silang makitang magkasama. Kahit sa Instagram posts nila, madalas na may larawan sila.

Katuwiran naman ni Kim, “Opo, palagi kaming magkasama at saka mahilig kasi akong mag-selfie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit cell phone niya, kukunin ko, magse-selfie ako dun. Kahit naman sa ibang tao.

“Magkasama kami, pero hindi yung lagi.

“Siguro kapag lalabas lang, like showing ngayon ang Avengers, showing ang Pitch Perfect, ganun lang.”

Bakit hindi pa niya sinasagot si Kiko?

Paliwanag ni Kim, “Hindi pa po ako ready.

“Mahirap pumasok sa isang relasyon lalo na kung hindi ka pa sigurado na ready ka na talaga.

“Mas maganda kung magpo-focus ka sa trabaho mo.

“Lalo na ngayon, yung My Mother’s Secret, ang bigat niya.”

Paano ba manligaw si Kiko?

“Paano siya manligaw? Alam kasi ni Kiko na hindi ako mahilig sa bulaklak kaya chocolates lang din ang ibinibigay niya.

“Hindi ako kagaya ng ibang tao na, ‘Uy, flowers!’

“Ayoko, ayoko talaga ng bulaklak. Ewan ko, masyado akong nagiging babae.

“Yung huling ibinigay niya sa akin, shih tzu. Si Chewbacca.”

Masaya siya na si Kiko na ang ka-loveteam niya?

“Okey sa akin, gusto ko,” pag-amin ng young actress.

“At saka, maganda rin naman po, may chemistry rin naman kaming dalawa.

“At saka, bakit hindi nila subukan ang KimKo naman ang loveteam ngayon, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN