Xian Lim considers PEPsters’ Choice win as validation that his fans are still there despite negative issues

Xian Lim on his relationship with the press: "I’ll be honest, dati natatakot ako. Katulad ng example ko na, ‘Ano bang sasabihin ko? Babantayan ko ba yung mga sasabihin ko?’ But now, dapat maging totoo ka na lang. Ipakita mo ang totoo sa sarili mo para mas makilala ka pa nila. Kumbaga, I learned to appreciate and love them more.”


Humakot na naman ng awards ang tambalan nina Xian Lim at Kim Chiu sa PEPsters’ Choice category ng The PEP List (#thepeplist), na ngayon ay nasa ikalawang taon na ng pagbibigay ng parangal sa standouts sa entertainment industry.

Ang KimXi loveteam ang ibinoto ng maraming PEPsters bilang Celebrity Pair of the Year at Male & Female FAB Stars of the Year.

Maliban dito, si Kim din ang itinanghal na Female Movie Star of the Year.

Ginawa ang announcement ng mga nanalo sa PEPsters’ Choice ng The PEP List Year 2 ngayong Huwebes ng tanghali, May 21, sa Seasons Ballroom ng Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City.

Read: The PEP List (Year 2): KimXi, DongYan, KathNiel are PEPsters' Choice winners!

Ang mga natanggap na karangalan ni Xian sa The PEP List ay tila patunay na hindi naapektuhan ang popularidad ng Kapamilya actor sa kabila ng kinasangkutan nitong mga kontrobersiya.

Kabilang na rito ang hindi niya diumano pagpayag na magsuot ng T-shirt na may nakasulat na “I Love Albay” nang minsang bumisita siya sa lalawigan ng Albay para sa isang festival.

Read: Xian Lim in hot water after allegedly refusing to promote Albay

Sa panayam ng entertainment press kay Xian sa presscon ng The PEP List Year 2 kanina, sinabi nitong nakapag-move on na siya sa nasabing isyu.

Pahayag niya, “Everything is good, everything is plantsado na lahat, and I’m very thankful na tapos na lahat.”

Labis-labis din ang pasasalamat niya dahil pinagkatiwalaan muli siya ng PEPsters para makamit ang mga award niya.

“Eto po yung magandang gauge diyan na, sa bad times or sa mga mga nangyayari, doon mo makikita kung sino ang nandiyan at kung sino ang kakapit.

“And thankfully, ito yung validation na, ‘Uy, nandito pa sila.’”

XIAN'S REALIZATION. Open ba siyang mag-show at i-meet ulit ang mga fans niya sa Albay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Xian, “Wala naman pong problema.

“Katulad po ng sabi ko dati, gumigising ako sa umaga para magpasaya ng tao.”

Nagkausap na ba sila ni Albay Governor Joey Salceda?

“Wala pa po.”

Na-lift na ba ang ban niya sa Bicol?

“Hindi ko po alam kung ano ang…” bitin niyang sagot.

Nagkaroon ba siya ng realization sa mga nangyari?

Sabi ni Xian, “’Yan po ang kagandahan sa lahat ng nangyayari, hindi lang naman po natin i-specify na isang issue.

“Yung kabuuan lang sa lahat ng nangyari, marami kang natutunan.

“Kung paano ka man as a person, nati-take yun ng ano, e…”

Ano ang natutunan niya pagkatapos ng mga pinagdaanan niyang isyu at sa mga kritisismo ng ilang press?

Saad ni Xian, “After nitong lahat, sabihin natin yung kabuuan, I’ve learned to love them more, to have connection with them.

“Dahil din... I’ll be honest, dati natatakot ako.

“Katulad ng example ko na, ‘Ano bang sasabihin ko? Babantayan ko ba yung mga sasabihin ko?’

“But now, dapat maging totoo ka na lang.

“Ipakita mo ang totoo sa sarili mo para mas makilala ka pa nila.

“Kumbaga, I learned to appreciate and love them more.”

A CHANGED MAN. Marami ang nakapansin sa pagbabago ng pakikitungo ni Xian sa press.

Kung dati ay ilag ito at matipid kung magsalita, ngayon ay nai-express na niya ang sarili sa harap ng media.

Pahayag niya tungkol dito, “Ayoko sabihing pagbabago… marami kang nari-realize na mga bagay-bagay.

“Mas marami kang nakikilala, marami kang natutunan.”

Ano ang nag-udyok sa kanya para ibahin ang pakikitungo niya sa press?

Sagot ni Xian, “Siguro po part ng maturity.

“Hindi naman puwedeng naka-stuck lang sa isang lugar.

“You have to evolve and grow and learn plenty of things.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN