Gerald Anderson still on the process of healing after breakup with Maja Salvador; defends Janice de Belen

Muling iginiit ni Gerald Anderson na walang kinalaman si Janice de Belen sa naging hiwalayan nila ni Maja Salvador. Pahayag ni Gerald, “Para sa mga hindi pa nakakaintindi, wala pong kinalaman si Ate Janice sa kahit anong iniisip niyo o sinasabi niyo. So, sana ho huwag na kayong mandamay ng mga taong walang kinalaman, please. Kung hindi pa malinaw ’yon, wala pong kinalaman si Ate Janice.”


Inamin ni Gerald Anderson na “nasa healing process” pa rin siya mula sa paghihiwalay nila ni Maja Salvador.

Nagpapasalamat daw ang Kapamilya actor na tinutulungan siya ng mga nagmamahal sa kanya upang mapabilis ang pagmu-move niya.

“Marami po akong makakapitan dahil sa mga tao sa paligid ko, very helpful, very supportive,” pahayag ni Gerald nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng bago niyang endorsement, ang Cosmo-Cee, sa Luxent Hotel, sa Timog Avenue, Quezon City, nitong Huwebes, May 21.

Direkta ring tinanong si Gerald tungkol sa kanyang Instagram post kahapon, May 20, tungkol sa pagtatanggol niya kay Janice de Belen.

Read: Gerald Anderson to Janice de Belen: "Stay strong. I am always here for you."

Si Janice ay nadawit sa breakup nina Gerald at Maja dahil ang aktres ang itinuturong third party umano sa kanilang hiwalayan.

Diin ni Gerald, “Ito yung huling beses na magsasalita ako dun [sa issue].

“Para sa mga hindi pa nakakaintindi, wala pong kinalaman si Ate Janice sa kahit anong iniisip niyo o sinasabi niyo.

"So, sana ho huwag na kayong mandamay ng mga taong walang kinalaman, please.

“Kung hindi pa malinaw 'yon, wala pong kinalaman si Ate Janice.”

EX-GIRLFRIENDS. Tinanong din si Gerald kung totoo ang pahayag kamakailan ni Maja na ikinukunsidera pa rin niyang kaibigan ang aktor.

“Oo naman,” pagkumpirma ni Gerald.

Sundot na tanong ng PEP: Nakita na ba niya ang Instagram photo na lumabas kamakailan kung saan magkakasama ang tatlong babaeng naging espesyal sa kanya—sina Maja, Sarah Geronimo, at Kim Chiu?

LOOK: Sarah Geronimo, Kim Chiu, and Maja Salvador together on ASAP!

Sagot ni Gerald, “Yeah, nakita ko, magkakasama kami sa ASAP every Sunday.”

Umiwas naman siya nang matanong kung ano ang naramdaman niya nang makita ang picture.

Sabi niya, “That's good.

"Ayoko na pong mag-comment, kasi whatever I say, kung may sasabihin ako, it's taken out of context.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung paano niyo po i-edit, it's gonna be something different [in context].

“Basta po masaya lahat, yun na po 'yon.”

Inusisa rin ang binata kung bukas ba siya sa posibilidad na muling makapareha sa isang acting project si Kim.

Aniya, “We have endorsements together.

“Siyempre maraming mga fans na nandiyan pa rin hanggang ngayon.

“Pag dumating yung araw na siguro maging okay [ang schedule at availability], siyempre magbibigay kami para magpasaya ng fans.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN