Lyca Gairanod beats Ryzza Mae Dizon and Bimby as Child Star of the Year in PEPsters’ Choice

Lyca Gairanod on beating more established child stars like Ryzza Mae Dizon and Bimby Aquino Yap: "Masaya po ako na ako po ang nakatalo sa kanila. Pero po, gusto ko pa rin pong i-share sa kanila yung award, kasi magagaling din po sila. Sana po hindi po sila magalit na ako yung nanalo, pasensiya na po kayo."


Pinatunayan ng The Voice Kids season one grand champion na si Lyca Gairanod na marami ring sumusuporta sa kanya matapos siyang manalo ng Child Star of the Year sa PEPsters’ Choice category ng The PEP List Year 2.

Online and mobile voting ito kung saan ang winners ay napipili base sa dami ng mga boto ng fans, gayundin ng readers ng PEP.

Read: The PEP List (Year 2): KimXi, DongYan, KathNiel are PEPsters' Choice winners!

Kaya naman nagpaabot ng pasasalamat ang batang singer sa kanyang fans at supporters.

“Masaya po ako na nanalo ako kaya nagpapasalamat po ako sa fans ko, sa lahat ng mga bumoto sa akin,” sabi ni Lyca.

Nakausap ng PEP si Lyca sa announcement ng winners ng PEPsters’ Choice na ginanap sa Luxent Hotel kahapon, May 21.

Feeling ba niya, ang mga sumuporta sa kanya sa The Voice Kids ay sila rin ang bumoto sa kanya rito sa PEP?

“Opo, ayun din po, lahat po ng mga fans ko.

“Binoto po nila ako, pinaghirapan po nila kaya po nanalo ako.

“Sobrang tuwa din po nila,” sabi ng 10-year-old singer.

BEATING OTHER CHILD STARS. Ano naman ang masasabi niya na tinalo niya para sa Child Star of the Year sina Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino-Yap, at Alonzo Muhlach?

Sagot ni Lyca, “Masaya po ako na ako po ang nakatalo sa kanila.

“Pero po, gusto ko pa rin pong i-share sa kanila yung award, kasi magagaling din po sila.

“Sana po hindi po sila magalit na ako yung nanalo, pasensiya na po kayo.

“Ayun po talaga ang gusto ko, e, gusto ko pong makatanggap ng award dito sa PEP.

“Yun po talaga ang pinaghirapan namin, pinaghirapan ng fans ko.”

Kung mabibigyan daw ng pagkakataon, gusto ni Lyca maging kaibigan at makatrabaho ang mga ito.

“Opo, gusto ko po sila, kasi po happy po na mga bata magkakasama po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

GETTING BIGGER. Sa pagkakataong ito, nakasama na ng PEP sa pag-i-interview kay Lyca ang ilang TV crew.

Tanong ni Jeff Fernando ng ABS-CBN News kay Lyca: Ang daming nagku-comment na ang laki mo na ngayon? Ano ba ang kinakain mo ngayon?

Sagot ng The Voice Kids winner, “Kumakain na rin po ako ng gulay, ayun po, para po lumusog-lusog na rin po ako.

“Kasi po dati napakaliit ko po, hanggang lamesa lang po ako dati.

“Kasi ngayon po, lampas-lampas na po ako ng lamesa.”

DARREN ESPANTO. Runner-up ni Lyca sa The Voice Kids si Darren Espanto, na nanalo namang Male Teen Star of the Year sa PEPsters’ Choice.

Magkakaroon ng major concert si Darren sa Mall of Asia Arena. Susuportahan niya ba si Darren?

Sagot ni Lyca, “Opo, suporta lang kami lahat.

“Lahat naman kaming The Voice Kids, sumusuporta kahit sino man. Lahat po kami susuporta.”

Ang babata pa nila pero iniintriga na agad sila ni Darren. Mas una raw magkakaroon ng major concert si Darren kaysa kay Lyca na grand winner.

Ano ang masasabi niya na iniintriga sila?

Tugon ni Lyca, “Wala pong ganun. Lahat po kami magkakapantay-pantay po kami lahat.”

Magkakaibigan sila?

“Opo. Wala naman po kaming away-away.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN