Bela Padilla feels lucky to work with Coco Martin on her first project as Kapamilya

Bela Padilla is grateful to GMA Network for its gracious acceptance of her move and thankful to ABS-CBN. "Parang they trusted me right away."


Ang pagkakataong makasama si Coco Martin sa isang proyekto ang isa sa malaking dahilan kung bakit nasabi ni Bela Padilla na mas maganda ang offer sa kanya kaya siya bumalik sa ABS-CBN.

Magkakasama sina Coco at Bela sa TV remake ng Fernando Poe Jr. 1997 movie na Ang Probinsyano.

Si Bela ay dating miyembro ng Star Magic Batch 15 bago pa siya lumipat sa Kapuso Network.

Pahayag ng aktres, "It's with Coco [Martin] yun talaga!

"Like what I've said a while ago, nung naisip ko na lilipat ako ng ABS, lagi kong binibiro yun [sa kanyang sarili], 'Ano kaya sa unang project ko, makasama ko kaya si Coco?'

"Kasi nga, para sa akin, it's the highest that you can get, especially for my age.

"So, for me to finally get it, parang, 'Wow! Wow, ang bilis na nangyari.'"

Dugtong pa ni Bela, "And then, parang they trusted me right away.

"Hindi na talaga nila hinintay na kailangan akong may gawin, may kailangan akong i-prove."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa announcement ng pagsasatelebisyon ng Ang Probinsyano noong May 18.


HUGE FAN. Sobrang tagahanga rin pala siya ni Coco?

Kuwento ng 24-year-old actress, "Kakapanood ko lang yung movie nila ni Toni [Gonzaga].

"Cute, nakakakilig yung mga eksena niya [sa You're My Boss].

"I'm a big fan of Ikaw Lamang from Book 1 to Book 2, pinanood ko yun.

"I know that he's really one of the actors I wanna work here in ABS-CBN.

"There are many actors here I wanna work with, and to be able to check that right away, it's such a big deal for me."


MOVING ON. Samantala, malaki raw ang pasasalamat ni Bela sa maayos na pagtanggap ng Kapuso Network sa pagpapaalam at paglipat siya sa Kapamilya Network.

Aniya, "I had one year left [sa GMA], I honored the contract, and I stayed for one more year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They knew I'm gonna move, so medyo alam ko rin na hindi ako mabibigyan ng show last year, kasi nga renewal was moving.

"I took that consequence, and they were very gracious to me when I said goodbye properly.

"Alam mo yun, my manager talked to them, and made sure that I'm not in trouble.

"I didn't make noise, and parang I noticed that most actors are doing that nowadays, but..."

Ano ang laman ng kontrata niya sa ABS-CBN?

Sabi ni Bela, "A, wala pa. Not even per project, wala pa."

Sa usaping ito, positibo naman ang aktres na magiging klaro ito sa kanya sa lalong madaling panahon.


NOT YET. Tinanong naman ng PEP contributor na si Melba Llanera si Bela tungkol sa kanyang lovelife.

Wala pa ba silang planong magpakasal ng kanyang boyfriend na si Neil Arce?

Tugon ni Bela, "We're really okay, but we're not even planning, matagal pa.

"I'm only twenty-four, I just turned twenty-four, maybe in the future.

"Siguro gusto kong mag-settle down, like, six to seven years pa."

Abala raw siya ngayon sa trabaho. Bukod sa Ang Probinsyano, tinatapos pa niya ang pelikulang Sugo.

"I'm doing that movie with Dennis Trillo.

"We've been doing that since January, at malapit na rin siyang matapos.

"So, right now, hindi ako maka-handle ng iba pang projects.

"Itong dalawa lang muna.

"Medyo mabigat din yung hinihingi, like sa Sugo, I'm playing a character from 17 years old to 70 years old.

"So, I'm trying to focus on that first."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN