Xian Lim clears the air with entertainment writers; admits reading negative comments online

Hindi raw nagtanim ng sama ng loob ang Kapamilya actor na si Xian Lim sa mga nagsulat ng mga negatibong balita tungkol sa kanya. Sabi ni Xian, “Kung ito yung mga sinasabi ng mga tao sa akin, maybe kailangan din merong pagbabago on my side."


Wala raw sama ng loob si Xian Lim sa entertainment writers na pumitik o bumatikos sa kanya dahil sa ‘I Love Albay’ T-shirt controversy nitong nakaraang Pebrero.

Read: Xian Lim in hot water after allegedly refusing to promote Albay

Makalipas ang tatlong buwan, nausisa ng media ang Kapamilya actor tungkol dito sa ginanap na The PEP List Year 2 presscon, kahapon, May 21, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Si Xian ang nanalong PEPsters' Choice Male Fab Star of the Year at ang tambalan naman nila ni Kim Chiu ang nagwaging Celebrity Pair of the Year.

Read: The PEP List (Year 2): KimXi, DongYan, KathNiel are PEPsters' Choice winners!

Ayon sa 25-year-old actor, binasa niya halos lahat ng write-ups at mga komento online tungkol sa insidente.

Hindi raw siya nagtampo kung anumang hindi magagandang salita na nasabi tungkol sa kanya.

“Wala naman pong pagtatampo.

"As much as possible po, para sa akin po, binabasa ko po talaga lahat. Maski po masakit.

“To be honest, masakit po yun na makakabasa ng mga hindi magaganda pero…

"Dun po ako matututo as a person and as an artist."

Napaisip daw ang binata matapos niyang mabasa ang mga panulat at komento tungkol sa kanya.

Sabi ni Xian, “Kung ito yung mga sinasabi ng mga tao sa akin, maybe kailangan din merong pagbabago on my side.

“Hindi lang naman puro, ‘Hayaan mo na, hayaan mo na,’ ‘di ba?

"We just had to learn from it, ‘di ba?”

Nagbigay pa ng halimbawa si Xian tungkol sa isang entertainment reporter na palagi raw siyang sinisimangutan noon kapag nagkakasalubong sila.

“Idagdag ko lang... a few years back, si Kuya Rommel [Placente], ‘pag nakikita ako, nakasimangot palagi sa akin, ‘Hoy, Xian…’

“Tapos sasabihin sa akin yung mga sinasabi tungkol sa akin.

“Minsan, nag-flashback sa akin, 'Bakit nga ba nasabi nila yun sa akin? Ano nga ba yung nagawa ko?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Ano nga ba yung dapat na pagbabago na gawin ko para naman maging okay na ba?'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN