Marian Rivera touched by warm messages of The Rich Man’s Daughter cast

Marian Rivera reveals Rhian Ramos texted her right away about being chosen to play the role the pregnant actress gave up in The Rich Man’s Daughter. "Sabi ko, ’Thank you, please take care of my show.’"


Simula nang magdesisyon si Marian Rivera na hindi na gawin ang The Rich Man’s Daughter at palitan siya ni Rhian Ramos, ngayon pa lang nahingan ng reaksiyon ang Kapuso Primetime Queen tungkol sa nangyari.

Kasalukuyan nang ipinalabas ang The Rich Man's Daughter sa primetime block ng GMA Network.

Kinumpirma naman ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-text nga sa kanya si Rhian tungkol sa pagtanggap niya bilang kapalit ng una sa nasabing teleserye.

“Nag-text siya na parang siya na raw ang pumalit sa akin, kasi buntis ako.

“Siya raw ang napili ng management. Sabi ko, ‘Ah, okay.’”

Nag-congratulate din daw si Rhian kay Marian sa pagbubuntis niya.

Kuwento pa ng Kapuso Primetime Queen, “Sabi ko, 'Thank you, please take care of my show.'

“Kasi mahal ko ang show na yun, halos lahat ng cast, kaibigan ko.

“At may pondo na rin ako dahil mababait yung cast sa akin, especially the director, staff, and crew.”


TOUCHED. Bago nagdesisyon si Marian na huwag nang gawin ang The Rich Man's Daughter ay nakapag-taping na siya ng ilang mga eksena.

Base sa interviews ng co-stars niya sa teleserye ay pawang magagandang salita ang binitiwan ng mga ito tungkol kay Marian.

Maliban sa husay raw ng pagkakaatake niya sa karakter bilang si Jade, bumilib din sa kanya ang mga kasamahan dahil kahit alam ng mga ito kung gaano napamahal na kay Marian ang teleserye, siya na ang nagpaubayang ituloy ang proyekto kahit hindi na siya ang bida.

Pahayag ni Marian, “Actually, na-touch talaga ako kahit sa maikling pagsasama namin, for example, Chynna Ortaleza, Luis Alandy, Glydel Mercado...

“Sa maliit na pagkakataon na nakaeksena ko sila, hindi ko alam na ganoon pala ang impact ko sa buhay nila.

“Nakakatuwa yung mga reaction... actually kinikilabutan ako nang binabasa ko.

"Sabi nila, sweet daw ako, magaan akong katrabaho, nami-miss nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May Viber group kami na, ‘Yan, we miss you. Yan, alis tayo.’

"Parang ako, naiyak din, e, wala naman akong choice.

“Sabi ko nga, bago pa kasi pumutok ang isyu na hindi na ako ang gagawa, nagpaalam ako nang maayos sa kanila.”


RISKY. Sa isang banda, may mga nagsasabi namang sana raw pala ay hindi na lang sinimulan ni Marian ang The Rich Man's Daughter nang malaman niyang buntis siya.

Reaksiyon dito ng Kapuso Primetime Queen, “Sabihin na lang natin na hindi kasi ako pinayagan ng asawa ko, parang ayaw naming i-take ang risk na ganun.

“Siyempre, may compromise kami na hindi kayang ibigay rin sa production.

“Siyempre, naghahabol din sila, kailangan for airing… kawawa rin naman ang GMA kung palaging mag-a-adjust sa akin.

“E, di ako na muna ang mag-give up, kahit na mahal ko ang show, gusto ko ‘to.

“Pero kung ako ang magiging dahilan para mahirapan, huwag na lang.

“Hindi lang din naman ako ang artista dun, ako na lang. Isa na lang ang magsakripisyo.”

Positibo naman ang naging dating sa lahat ng ginawa niya dahil ang tingin sa kanya, naging selfless siya.

“Sabi ko rin naman sa Viber group namin, kahit tanungin niyo sila, ‘Ganito na lang, mas pipiliin ko na ako ang mag-give up kesa lahat tayo mawalan ng trabaho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN