Gerald Anderson wants to put a lid on breakup issue with Maja Salvador

Gerald Anderson on dealing with bashers: “Basta alam ko sa sarili ko that there are things that I have to improve, there are things na alam ko na okey ako rito... And every day of my life, siyempre, I will be the best man I can be, yun lang po ang magagawa ko.”


Matindi ang pag-iwas ni Gerald Anderson sa mga tanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Maja Salvador.

“Ay, ayoko na po, ayoko ng dagdagan,” ang nakangiting sambit niya sa comment na kaya raw sila naghiwalay ay diumano’y mas umaalagwa ang career ni Maja dahil sa pagsasama nila.

Pero siya nga ba ang nakipag-break?

“Nagsalita na rin po ako tungkol doon,” sabi na lang niya.

Sa issue na siya talaga ang may pinagdadaanan o problema, “Sinabi ko na po yung dapat kong sinabi, way back pa.”

Nakausap ng entertainment media si Gerald sa presscon ng bago niyang ini-endorsong produkto, ang Cosmo Cee, sa Luxent Hotel noong May 21.

FRIENDS? Sa isang banda, totoo naman daw na nanatiling magkaibigan pa rin sina Gerald at Maja hanggang ngayon.

“Of course, oo naman,” nakangiti niyang sabi.

Kapag sinabing magkaibigan, nagkakausap pa rin sila?

“Kapag nagkikita,” sagot naman niya.

“Nagkita na ba sila pagkatapos ng breakup nila?

“Nagsama kami pero, hindi kami nagkita. Siyempre, ASAP medyo hectic. So yun…”

Wala namang nangyaring iwasan?

“Hindi, hindi naman,” sabi niya.

Nang tanungin si Gerald kung masaya siya ngayon, binalik niya sa amin ang tanong nang nakangiti, “Mukha ba akong masaya?

“Siyempre, if you keep yourself busy, isa rin yun sa mga sikreto ng moving on with your life and moving forward.

“But mas importante ang personal…”

RESPONSIBILITIES. Sa paliwanag ni Gerald, hindi lang ang breakup nila ni Maja ang iniinda niya, ke madali man o mahirap ito sa kanya.

Aniya, “Ganoon lang talaga, wala tayong choice, e.

“Kailangang mag-move forward. Marami pong tao na nakadepende rin sa akin.

“Kumbaga, as the leader of my family, kailangan ko po talagang magtrabaho.

“At kailangan ko pong maging good example sa kanila.”

Puwedeng sabihin na masaya siya na pareho silang madaling nakapag-move on sa kinahinatnan ng relasyon? Matatandaang April 14 nang nakumprima ng media mula mismo kay Gerald ang tungkol sa hiwalayan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre naman, basta masaya po ang lahat. Wala naman pong bad blood between anyone.

“Basta masaya ang lahat, masaya ko.”

NO ONE IN SIGHT. Wala pa namang bagong nagpapasaya sa puso niya?

“Ay naku, Cosmo Cee,” natawang biro niya. “Hindi pa naman dumaraan sa isip ko.

"Ang pinaka-importante sa akin is providing for my family. Yun ang pinaka-importante sa akin ngayon.”

Matatagalan kaya bago siya makipagrelasyon muli?

“Feeling ko matagal pa,” nakangiti niyang sabi.

May mga katangian na ba ng babae na gusto niyang hanapin ngayon?

“Hindi pa po dumaraan sa isip ko. I just want to work and give back to people, give back to my family.”

BEST MAN. Naaapektuhan pa rin ba siya kapag sinasabi ng iba na kesyo chick boy siya o play boy?

“Siyempre naman ho, hindi naman ako robot. Artista ko. At tao pa rin ang artista.

“Siyempre po, masakit pa rin and, like I’ve said, hindi ako robot.

“Lalo na sa panahon ngayon, sa social media and everything, wala na kong magagawa.

“Basta alam ko sa sarili ko that there are things that I have to improve, there are things na alam ko na okey ako rito.

“So yun na lang, kung ano ang mga kailangan kong i-improve, gagawin ko, and I’ll gonna take it like a man.

“Ganoon talaga, wala na po akong magagawa, e.”

Sabi pa niya, “I’ve made mistakes in my life and I have to take responsibilities for that.

“And every day of my life, siyempre, I will be the best man I can be, yun lang po ang magagawa ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN