Ellen Adarna on handling love scene with Dennis Trillo: "Omigod, ang guwapo! I need a drink!"

Ellen Adarna admits getting flustered during her love scene with Dennis Trillo in their movie You’re Still The One: “Sabi ko, ’Omigod, ang guwapo! I need a drink!’ One shot lang naman, para ma-relax. Kasi I’m so tense!”


Ninerbiyos daw nang husto si Ellen Adarna sa love scene nila ni Dennis Trillo.

Ito ay para sa pelikulang You’re Still The One na ipapalabas na sa Miyerkules, May 27.

Directed by Chris Martinez, ang pelikulang pinagbibidahan nina Maja Salvador at Richard Yap ay joint production venture ng Star Cinema at Regal Films.

“Kasi ang guwapo ni Dennis!” pag-amin ni Ellen nang mag-guest nang live sa Aquino & Abunda kagabi, May 22.

Tatlo ang kanilang love scenes. At kung tutuusin, hindi na siya first-timer sa ganitong mapangahas na tagpo.

Pero noong sinu-shoot na raw yung eksena nila ni Dennis, kumabog-kabog daw ang dibdib niya sa todong nerbiyos.

Kuwento niya, “Sabi ko, 'Omigod, ang guwapo! I need a drink!'

“One shot lang naman, para ma-relax. Kasi I’m so tense!”

LONG-TIME CRUSH. Totoong crush niya talaga si Dennis?

Mabilis niyang pag-amin, “Yeah! Before pa.

“That’s why I wanted to do the movie."

Noong nalaman ni Dennis na crush siya ni Ellen, nakaapekto ba ito sa pakikitungo nila sa isa't isa?

Pagklaro ni Ellen, “Hindi ko sinabi sa kanya na crush ko siya kasi nakakahiya.

“Nahihiya ako kapag crush ko, e. Pero baka narinig niya sa ibang tao.”

Hindi ba't single din naman si Dennis sa kasalukuyan?

“I don’t think so,” sagot niya.

HAPPY TO BE SINGLE—FOR NOW. Pero siya ay certified single, 'di ba? At ilang beses na rin niyang nasabi na ang dahilan kung bakit siya single ay dahil “she is so selfish.”

Paliwanag ni Ellen, “I want to be happy, and I want to be free.

“I wanna take care of myself. Ako muna.

“Pero magti-30 na ako. So when I’m 30, okey na, hindi na ako magiging selfish.

“The last time I was single, 18 pa ako. Never akong nabakante,” pagtukoy niya sa pagkakaroon ng lovelife.

ROLE. Sa You're Still The One, ano ang role niya? Ano ang kaugnayan niya sa character ni Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m the yaya of Dennis’s mom [portrayed by Zsa Zsa Padilla]. And stay-in ako sa kanila.

“Nadevelop kami until nabuntis niya ako, and we got married.”

Hindi na sinabi ni Ellen ang magiging conflict sa mga characters nila nina Dennis at Maja. Para raw may aabangan ang moviegoers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN