Christian Bautista planning to take dates seriously after soap My Mother’s Secret

Christian Bautista describes his ideal woman: “Meaning ’pag maghahanap ako ng wife-to-be e yung medyo close to perfect. Hindi yun sa intelligence, hindi yun sa ano, hindi rin yun sa ganda. Yung responsible, loves family, loves God.”


Sa presscon ng My Mother’s Secret ay may nagbanggit kay Christian Bautista na four years ago ay virgin pa ito, base sa isang write-up tungkol sa singer/actor.

Kaya muling natanong si Christian kung hanggang ngayon ay virgin pa siya.

“Huwag na nating pag-usapan 'yan. Next! 'Tapos na yang question na 'yan,” at tumawa si Christian.

“Next, next, next please.”

Ang sundot na tanong kay Christian ay kung kailan siya na-devirginize.

“Next, next, next, next, next, next, next!

“Puwede ba, guys,” ang patuloy na natatawang reaksiyon ni Christian.

Thirty-three years old si Christian ngayon, at magti-thirty-four siya sa October 19.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang singer-actor noong May 19 sa 17th floor ng GMA Network Center para sa presscon ng My Mother’s Secret.

DATING. Three years nang walang girlfriend si Christian.

Wala ba siyang nililigawan o napupusuan ngayon?

“Ano lang, dating, dating.

“Non-exclusive. Hindi pa serious, nothing serious,” saad niya.

Artista?

“Ano lang, iba-iba.

“I’ve been to a blind date, I’ve been to a group date, I’ve been to ano. Wala pang naulit,” lahad pa niya.

So wala siyang nagustuhan sa mga naka-date niya kaya walang naulit?

“Searching…ano ba ang tamang sagot diyan? Ready, ready.”

Lampas na si Christian sa ideal age na gusto sana niya para mag-asawa.

“Gusto ko sana 30, e. That’s three years late.

“Yung uncle ko nga sabi sa akin, ‘You have to give time for your lovelife kasi yung pinsan mo e 34, nahihirapan.'

“He’s right, he’s right. So I have to give time, maybe after this soap, one month, just dating, ewan ko,” at muling tumawa si Christian.

IDEAL TRAITS. May standards na hinahanap si Christian sa babaeng gusto niyang makarelasyon nang seryoso.

“Ganito na lang, ang nanay ko e napakahusay. You know, last month she just got her PhD [Doctor of Philosophy], and she’s 60. Alam mo yun? So yun ang model ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meaning 'pag maghahanap ako ng wife-to-be e yung medyo close to perfect.”

Ano ba yung “close to perfect” para sa kanya?

Paliwanag niya, “Hindi mo masasabi, hindi yun sa intelligence, hindi yun sa ano, hindi rin yun sa ganda.

“Yung responsible, loves family, loves God.”

NOT KEEN ON LONG DISTANCE RELATIONSHIP. Hindi kaya sa huli ay sila pa rin ni Rachelle Ann Go, na dati niyang kasintahan, ang magkatuluyan?

“Dapat sagutin ko nang maayos 'yan, ha?

“Malalaman natin in the end kung kami pa rin, malalaman natin in the end.

“Sa ngayon, hindi ko ini-entertain sa ngayon kasi it’s... now she’s in London, I’m here.

“Long distance, you know?”

Bukod kay Christian (na gumaganap bilang si Anton) ay tampok sa My Mother’s Secret sina Gwen Zamora bilang si Vivian at Lotlot de Leon bilang si Cora, at ang tambalan nina Kim Rodriguez bilang si Neri at Kiko Estrada bilang si Craig.

Sa direksiyon ni Neal del Rosario, tampok din sa My Mother’s Secret sina Meryl Soriano bilang si Stella, Enzo Pineda bilang si Gavin, Shamaine Buencamino bilang si Esther, Joanna Marie Tan bilang si Karen, Tricia Cabais bilang si Heidi, at si Diva Montelaba bilang si Lorraine.

Ipapalabas na ito sa Lunes, May 25, bago ang 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN