Dennis Trillo on possibility of rekindling romance with Jennylyn Mercado: “Wala namang imposible.”

Dennis Trillo says he and Jennylyn Mercado are taking things slow: “Wala po kaming minamadali. Kung anuman ’yong mayroon kami, masaya kami pareho do’n.”


Muling napag-uusapan ang diumano'y pagbabalikan ng dating magkasintahan na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Bukod kasi sa unang napabalitang pagkikita nila sa Balesin Island nitong Holy Week, muling nakitang magkasama sina Dennis at Jennylyn sa UFC Fight Night noong May 16.

Read: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, Angel Locsin and Luis Manzano spotted on a date at UFC Fight Night

Sa panayam ng Startalk kay Dennis, na ipinalabas kanina, May 23, nilinaw niya na walang pagbabalikang naganap sa pagitan nila ng dating girlfriend.

Aniya, “Wala naayos lang 'yong pagkakaibigan namin, 'yong relasyon namin bilang magkaibigan."

Nang tanungin kung naniniwala siya sa kasabihang “Love is lovelier the second time around?”

Sagot ni Dennis, “Naniniwala, matagal na 'yong kasabihan na 'yon, e.

“Lahat naman posible. Wala namang imposible.

“Minsan hindi mo alam na ganun na pala 'yong mangyayari.”

Gayunman, muli niyang nilinaw, “Pero sa ngayon, wala po kaming minamadali. Kung anuman 'yong mayroon kami, masaya kami pareho do'n.”

Ayon kay Dennis, hindi rin sila madalas nakakalabas ni Jennylyn dahil sa busy ang kani-kanilang schedule. Lalo na siya dahil katatapos lamang niya gawin ang pelikula with Maja Salvador, ang You're Still the One.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN