Xian Lim on confirming real score with Kim Chiu: "Malapit na po, malapit na. Nararamdaman ko!"

Xian Lim on real score with Kim Chiu: “Nakikita ko naman po sa mga ngiti niya na baka malapit na. Parang nakikita ko na mas nangingiti siya ngayon. Kaya yun nga, sabi ko nga na baka... ang basa ko nga dito, parang malapit na.”


"Malapit na po, malapit na. Nararamdaman ko!"

Ito ang sagot ng Kapamilya actor na si Xian Lim nang tanungin siya ng beteranang kolumnistang si Aster Amoyo tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Kim Chiu.

Si Xian, kasama sina Marian Rivera at Lyca Gairanod, ang ilan sa mga celebrities na dumalo sa presscon para sa pangalawang taon ng The PEP List, na ginanap sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, nitong nakaraang Huwebes, May 21.

Sina Xian at Kim ay tinanghal ng PEPsters bilang Celebrity Pair of the Year, at FAB Male and Female Stars of the Year, respectively.

Dagdag pang pahayag ng 25-year-old model-actor, “Yes, malapit na po.

“Ipinararamdam ko naman po sa kanya na, kumbaga, sa pag birthday niya, kung meron siyang special events sa buhay niya, ipinaparamdam ko naman.

“Ipinapakita ko naman sa kanya na nandun ako.

“At nakikita ko naman po sa mga ngiti niya na baka malapit na.

“Parang nakikita ko na mas nangingiti siya ngayon.

“Kaya, yun nga, sabi ko nga na baka...ang basa ko nga dito, parang malapit na.”

Hindi ba siya naiinip sa tagal ng sagot na kanyang hinihintay?

Mabilis niyang sabi, “Naku, ang mas nakakainip po ay yung teleserye namin,” sabay bawi niya.

“Hindi, wala naman pong inipan.”

NOT WORRIED ABOUT GERALD. Hindi kaya mabago ito kapag natuloy na raw ang proyektong gagawin nina Kim at Gerald Anderson?

Sagot ni Xian, “Ay naku, wala akong alam dun, pero ang alam ko, ang susunod na gagawin namin ay isang teleserye, at may pelikula rin po.

“Wala naman po sa akin yun.”

Hindi kaya dahil pa rin kay Gerald kaya hindi makapag-level up ang kanilang relasyon?

Giit niya na natatawa lang, “Ay naku, saan naman galing 'yan?

“Ano naman ang kinalaman niya?

“Wala naman pong kinalaman.

“'Pag nabasa niya, ano kaya ang sasabihin niya?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig bang sabihin ay ganun siya ka-secure na wala nang balikang mangyayari sa dalawa?

Aniya, “Wala naman po sigurong ganun.

“Pagpawisan ba ako?

“Hindi, hindi ko naman iniitindi ang mga bagay na ganun.

“'Di baka lahat na lang isipin ko ay baka sumabog na ang ulo ko.”

BETTER RELATIONSHIP WITH MEDIA. Samantala, napag-usapan na naman ang tungkol sa dating negative impression sa kanya ng press people noon.

Although sa ngayon, nakikita na ang malaking pagbabago sa pakikitungo niya sa mga ito.

May panahon ba na napagsabihan siya ng ABS-CBN Talent Center o ng Star Magic tungkol dito?

Sabi ni Xian, “Hindi naman po sa ganun.

“Bukod sa management na nagsabi, wala naman pong ganun.

“They explained the whole situation kasi yun naman po ang trabaho nila.

“Kung sino man ang magsasabi o kumbaga pagsasabihan ako, it's my family.

“Yun po ang circle ko and my friends.

“Yung payo talaga ay dun manggagaling.”

Mas maingat na raw siya ngayon na hindi siya makapagdulot ng sama ng loob sa ibang tao.

Aniya, “Yung line na, 'You can't please everyone,' yun po ang iniingatan ko.

“Yes, sabi nga nila, 'You can't please everyone,' pero feeling ko, sariling effort din po 'yan.

“Kumbaga, reaching out and showing the best of yourself.”

YOU CAN'T PLEASE EVERYONE.” Napu-frustrate ba siya na sa kabila ng magandang pakita niya sa ibang tao, mayroon pa ring hindi naa-appreciate ang kanyang ginagawa?

Nangiting pahayag niya, “Parte naman talaga 'yan ng buhay na ipi-present mo ang sarili mo, pero yung iba hindi ka matatanggap.

“Hindi naman dumadating sa point na frustrated [ako].

“Iniisip ko na lang na parte talaga ito, e.

“'Pag tanggapin mo na parte talaga ito, walang samaan ng loob.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN