Mark Bautista realizes life is not perfect after his father’s stroke

Mark Bautista: “Kahit sabihin ko pang sobrang thankful ako sa blessings na dumarating sa buhay ko, pero hindi talaga magiging perfect ang buhay, e. Talagang magkakaroon ka ng problema. So, parang thankful ka sa mga blessings, pero at the same time, hindi mo puwedeng kuwestyunin si God bakit nangyari sa ‘yo ‘yan. So, tinatanggap ko siya as it is na, okay, may dumadating talagang problema na kailangan mong harapin.”


Pinipigilan ni Mark Bautista na maging emotional nang mag-guest siya sa Startalk kahapon, May 23, para i-promote ang nalalapit niyang concert na gaganapin sa Resorts World Manila sa May 29.

Inilahad ni Mark ang pinagdaanan ng kanyang pamilya pagkatapos ma-stroke ng kanyang amang si Leon Darny Bautista III.

Kaya napasugod si Mark sa Cagayan de Oro City noong Lunes, May 19, para kumustahin ang ama.

Pagdating ng Cagayan, dumiretso si Mark sa hospital.

Ipinost pa nga ng Kapuso singer-actor sa kanyang Instagram account ang maikling video habang sinasabayan niya ang ama sa exercise ng tongue twister, na bahagi ng therapy nito dahil hindi na ito gaanong makapagsalita.

Caption ni Mark sa post na iyon: “In CDO now and from the airport, I went straight to the hospital…

"hirap pag miyembro na ng pamilya may sakit… nung sinabi sa akin na 70% paralyze siya, nakakataranta pala talaga.

“Happy to see my Papa slowly improving.

"Meron palang binibigay na parang tongue twister para ma-exercise yung bibig nila… I was trying to convince him to do it kasi tinatamad pala siya.

“Mukhang natuwa naman siya na ako nagpabasa sa kanya…I really pray for his complete healing in Jesus name.”

EXPRESSING HIS LOVE FOR HIS DAD. Kahapon sa Startalk ay nagpahayag si Mark kung gaano siya kaapektado sa pinagdadaanan ng kanyang pamilya.

Hindi raw siya kasi ganun ka-expressive sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya noon, pero ngayon ay madalas daw niyang ipinaparamdam sa kanyang ama kung gaano niya ito kamahal.

Sabi ni Mark, “Naging emotional siya ngayon, e.

“Hindi kasi ako masyadong ma-‘I love you’ kay Papa.

“Nung na-stroke siya, nataranta talaga ako.

“Nung tinawagan ko siya sa phone, sinasabi ko sa kanya, ‘Pa, I love you, I love you.’”

Mabuti at nakalabas na raw ng hospital ang kanyang ama kaya nakukumusta na niya ito madalas sa telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napagtanto ni Mark na magkakasunod ang mga dumarating na problema sa kanyang pamilya, pero hindi raw siya puwedeng magreklamo at kuwestyunin ang Diyos bakit nangyari ito sa kanila.

Aniya, “Na-realize ko nga na, ‘Bakit sunud-sunod yata?’

“Kahit sabihin ko pang sobrang thankful ako sa blessings na dumarating sa buhay ko, pero hindi talaga magiging perfect ang buhay, e.

“Talagang magkakaroon ka ng problema.

“So, parang thankful ka sa mga blessings, pero at the same time, hindi mo puwedeng kuwestyunin si God bakit nangyari sa ‘yo ‘yan.

“So, tinatanggap ko siya as it is na, okay, may dumadating talagang problema na kailangan mong harapin.”

Gusto lang daw iparating ni Mark sa pamilya niya, lalo na sa kanyang ama, na nandiyan siya sa lahat ng oras at patuloy na nagmamahal.

“Sinasabi ko sa kanya, kasi minsan pala kapag na-stroke ka, minsan nawawalan ka na ng gana, depressed ka, minsan nawawalan ka ng pag-asa.

“Gusto kong sabihin sa kanya na marami pa kaming plano sa buhay at kailangan niyang magpalakas para maengganyo siya na magpa-therapy at para isipin niya na puwede pang bumalik ang pagsasalita niya at yung paglalakad niya,” pahayag ng 31-year-old balladeer.

Gusto man daw ng ama ni Mark na mapanood ang concert niya, hindi pa talaga puwede dahil hindi pa puwedeng ibiyahe pa-Maynila.

Baka ang mommy na lang daw niya ang luluwas para panoorin ang kanyang first concert pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi niya sa London para sa West End musical na Here Lies Love.

LOOKALIKES. Samantala, kasabay ng video post ni Mark ng pagsabay niya sa tongue-twister therapy ng ama ay ang pagpu-post niya sa Instagram ng mga lumang larawan ng kanyang ama.

Dito ay kitang-kita ang malaking pagkakahawig ni Mark sa kanyang ama.

Narito ang ilan sa pang-throwback photos na ipinost ng singer sa Instagram (iammarkbautista):

Papa and mama's wedding ❤️

A photo posted by Mark Bautista (@iammarkbautista) onMay 17, 2015 at 6:08pm PDT

Papa #Pinakagwapo

A photo posted by Mark Bautista (@iammarkbautista) onMay 17, 2015 at 6:17pm PDT

Pogi! #papa

A photo posted by Mark Bautista (@iammarkbautista) onMay 17, 2015 at 6:29pm PDT

Pinaka charming at pinakamabait..i love you papa! ❤️

A photo posted by Mark Bautista (@iammarkbautista) onMay 17, 2015 at 7:01pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN