Julie Anne San Jose teams up with Jake Vargas in a teleserye; not worried about JaBea fans

Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose collaborates with Amercan record producer Omen for her latest single "Tidal Wave." Omen has worked with international hip-hop at RnB artists like Beyonce, Usher, Drake, Action Bronson, Lil Wayne, Ludacris, Fabolous, Vado, Memphis Bleek, Redman, Keith Murray, Immortal Technique, Hurricane G, and Amil.


Talagang inabangan ng fans ni Julie Anne San Jose ang kanyang bagong single titled “Tidal Wave” na ini-release last May 20 via iTunes.

Dahil dito, mabilis na umakyat sa third spot ng naturang digital music download site ang bagong single na ito ng Kapuso singer-actress.

Ang “Tidal Wave” ay unang collaboration ni Julie Anne with international record producer Sidney Brown o mas kilala bilang si Omen.

Mula sa Harlem, New York, si Omen ay isang kilalang record producer ng hip-hop at RnB artists tulad nina Beyonce, Usher, Drake, Action Bronson, Lil Wayne, Ludacris, Fabolous, Vado, Memphis Bleek, Redman, Keith Murray, Immortal Technique, Hurricane G, at Amil.

Noong 2007, nanalo ng kanyang unang Grammy Award si Omen for Best Rap Album para sa double album ni Ludracis na Release Therapy, kunsaan siya ang nag-produce ng single na “Tell It Like It Is”.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Julie Anne sa kanyang birthday/fans day celebration sa GMA Network Center noong May 17, sinabi ng Kapuso star na sinusubukan niya ang iba’t ibang klaseng music na pasado rin sa panlasa ng kanyang mga tagahanga.

“Gusto kong may maiba sa gagawin kong Extended Play album.

“But the music that my fans love ay nandoon pa rin. Gusto ko lang ng variety.

“Hopefully, itong collaboration ko with Omen will be the start of something new sa music career natin.”

Nakilala raw ni Julie si Omen last year noong magkaroon siya ng show sa Los Angeles.

Kuwento niya, “May friend ako na involved doon sa show na kilala niya personally si Omen.

“So, habang nandoon ako, pinag-meet niya kami and nag-usap nga kami for possible collaborations.

“Naging okey naman ang meeting namin and nag-start na akong mag-recording in New York.”

Kasalukuyang nasa U.S. si Julie Anne at katatapos lamang ng show niya sa Fort McKinley in San Francisco, California.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago siya umuwi ay magsu-shoot siya roon ng bagong music video para sa single niyang “Tidal Wave.”

“Ten days lang po ako sa U.S., kasi after the show, we’ll be shooting music videos para sa mga ire-release kong mga tracks.

“Kaya wala rin akong time na magbakasyon kasi work din po ang ipinunta natin doon.

“Anyway, I will make use of my time there.

“Kung makaka-shoot kami ng two or three music videos, mas okey po iyon.

“Kung may time pa po, doon na papasok ang pasyal at shopping!” natawang sabi niya.

LOVETEAM WITH JAKE. Pag-uwi ni Julie Anne ay naghihintay na ang kanyang ibang mga trabaho, tulad ng mga shows na Sunday All Stars, Day-Off, at “Chika Minute” segment ng news program na 24 Oras.

Magte-taping din siya agad para sa teleserye ng GMA Network na Buena Familia, kunsaan kasama niya sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Kylie Padilla, Martin del Rosario, Julian Trono, Mona Louise Rey, at ang kanyang leading man na si Jake Vargas.

Reaksiyon ng marami, tila mas matangkad si Julie kay Jake, kaya paano raw ang kanilang magiging eksenang dalawa.

Ayon kay Julie Anne, “Nag-look test nga po kami ni Jake for the series.

“Okey naman, pero yun nga, I’m taller by a few inches kay Jake.

“Sinabihan na lang siya na magsuot ng shoes na nakakadagdag ng height niya para hindi awkward kapag may mga scenes kami.

“Ako naman daw, hindi ko kailangan mag-high heels kapag may scenes kami together ni Jake.

“May mga paraan naman para magbagay kami ni Jake.

“Hindi naman po ito ang first time na mag-pair ni Jake kasi kami ang pinag-partner sa comedy series na Pepito Manaloto.

“Kaya comfortable na ako with Jake as far as working with him on television,” sabi ni Julie Anne.

BASHERS AND HATERS. Hindi raw worried si Julie sa fans nina Jake Vargas at Bea Binene na JaBea na baka i-bash siya ng mga ito sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman po kami ni Bea. Though hindi naman kami that close, pero okey po kami.

“’Tsaka alam naman ng mga fans nila na trabaho lang itong sa amin ni Jake.

“Undeniably, maraming fans talaga ang JaBea, lalo na po on social media.

“Right now, I think they are both working with different projects.

“Si Bea may gagawin yata na iba naman ang partner. Kaya I think na okey lang iyon with the JaBea fans.”

Since break na sina Jake at Bea, okey lang bang bigla siyang ligawan ni Jake habang ginagawa nila ang teleserye?

Sagot Julie Anne, “Hindi ko po alam ang isasagot ko diyan kasi hindi pa naman kami nagkakasama pa ulit ni Jake.

“Ayoko pong isipin na magkakaroon ng ligawan. Ang importante ay okey kami magtrabaho ni Jake.”

Hindi raw masyadong aware si Julie sa nangyaring hiwalayan nila Jake at Bea.

“Sa dami po ng ginagawa ko every day, hindi ako updated.

“Kung wala po ako sa recording, school naman po ang pinagkakaabalahan ko.

“May mga nagsasabi lang sa akin ng mga latest tsismis.

“Kung anuman ang nangyari between Jake and Bea, definitely ay wala naman po akong kinalaman.”

Hindi na bago kay Julie ang magkaroon ng bashers at haters sa social media. Hindi na lang daw niya pinapansin ang mga ito.

“Mas marami po tayong productive things na gagawin kesa sa sagutin or basahin ang mga pamba-bash ng ibang tao.

“Basta ako, wala po akong kaaway.

“Never naman po akong nagsabi sa mga fans ko na makipag-away sila sa ibang fans on social media.

“Minsan naman po, hindi ko ma-control ang mga nararamdaman nila.

“Gusto ko po, as much as possible, huwag na silang sasagot pa.

“It’s better na wala kang kaaway para mas masaya ang buhay,” saad ni Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN