Jake Vargas more than ready to deal with bashers because of his new loveteam with Julie Anne San Jose: “Naisip ko na ’yan.”

Because of his new loveteam with Julie Anne San Jose, Jake Vargas admits he’s more than ready to deal with bashers: “Alam ko na darating din sa ganun yun. Kasi maraming fans si Julie at hindi ko naman alam kung gusto nila ako para makapareha ng idolo nila. Pero sana hindi, kasi trabaho lang naman ’to. Sana magustuhan nila ako.”


Aminado ang young actor na si Jake Vargas na maninibago ang kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang next soap sa GMA Network na Buena Familia ay si Julie Anne San Jose na ang kanyang kapareha, at hindi na ang dati niyang ka-loveteam at girlfriend na si Bea Binene.

Ayon kay Jake nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, May 18, sa radio program ng kanyang manager na si German Moreno sa dzBB, “Alam ko na maninibago talaga yung mga fans namin ni Bea na, for the first time, hindi kami ang magkapareha sa soap.

“Although sa ibang mga guestings namin nagagawa naming pumareha sa iba, pero kapag teleserye, kami talaga ang laging magkapareha.

“Pero ngayon nga, sa Buena Familia, si Julie Anne San Jose na ang ka-partner ko.”

Sana nga raw ay tanggapin ng kanilang mga tagahanga ang pakikipagpareha niya kay Julie Anne.

Dagdag niya, “Hindi ko nga alam kung matatanggap nila na iba na yung ka-partner ko, pero sana matanggap nila.

“Kasi trabaho lang naman 'to.

"Ako naman kasi, artista lang. Kung sino ang ibigay nilang katrabaho ko, magtatrabaho ako.

“And ilang beses ko na rin namang nakatrabaho si Julie Anne kasi nagkasama kami sa Pepito Manaloto at sa Sunday All Stars.

“Kaya excited ako na makatrabaho siya nang medyo matagal.

“'Tsaka maganda din na nabibigyan kami ng pagkakataong i-partner sa iba, para ma-experience din namin na makipagtrabaho sa iba.

“Pero who knows, 'di ba? Sa susunod na mga teleserye ng GMA, baka kami ulit ni Bea ang magiging magka-partner. Hindi natin alam."


READY FOR BASHERS. Dahil sa bagong tambalan nila ni Julie Anne, handa na rin daw si Jake sa anumang reaksiyon ng mga loyal fans nito.

Pag-amin niya, “Naisip ko na 'yan. Alam ko na darating din sa ganun yun.

“Kasi maraming fans si Julie at hindi ko naman alam kung gusto nila ako para makapareha ng idolo nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sana hindi, kasi trabaho lang naman 'to. Sana magustuhan nila ako.

“Actually, nag-usap nga kami ni Julie Anne tungkol diyan, kasi naiisip niya rin na baka ma-bash din siya ng mga fans namin ni Bea.

“Pero sabi nga namin, trabaho lang 'to at sana maintindihan ng mga fans.

“Sana imbes na i-bash nila kami, suportahan na lang nila yung pagsasama namin ni Julie Anne sa Buena Familia."

Inaasahan na rin daw ni Jake na siguradong mali-link siya kay Julie Anne, lalo na't pareho silang single.

Ayon sa binata, “Naisip ko na 'yan, kasi nga, 'di ba, kapag may ka-partner ka, yun na ang kasunod—mali-link ka sa kanya.

“Sa akin naman okey lang, kasi pareho kaming loveless.

“Pero hindi ko kasi iniisip 'yan sa ngayon.

“Mas gusto ko na magtrabaho muna at mas makilala si Julie Anne nang mas malalim pa.”

ROLE. Halatang very excited naman si Jake sa kanyang bagong role sa Buena Familia.

Saad niya, “Excited na ako sa role ko sa Buena Familia, kasi ibang Jake ang mapapanood nila dito.

“Gusto nila madumi ako dito, pinapatubo nila ako ng bigote at balbas.

“Matured na Jake na ang mapapanoid nila dito pagdating sa looks at acting.

Pero kahit mature roles na nga raw ang ginagampanan ni Jake, hindi pa rin daw niya kayang maghubad sa harap ng camera.

Banggit niya, “Nagdyi-gym ako, pero ang problema, 'pag nag-gym ako, tumataba ako kaya hindi ako consistent sa pagdyi-gym.

“Kaya hindi ko rin ma-achieve yung pagkakaroon ng magandang katawan.

“Siguro yung pagta-topless, 'di ko pa kaya.

“'Pag ready na ako emotionally at physically, at nakita ko na na maganda ang katawan ko, baka puwede na.

"Pero sa ngayon, hindi pa kaya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN