Marian Rivera confirms hubby Dingdong Dantes will not run in 2016

Marian Rivera on husband Dingdong Dantes’s advocacies: "Hindi naman kasi si Dong yung tipo ng tao na bawat kibot, naka-post, e. Ang dami-dami, may mga times ‘yan na umaga na, galing taping, isang oras lang ang tulog, lilipad papuntang Mindoro, lilipad papuntang ganito, para lang mag-orientation sa mga kabataan. Alam mo yung ganun? Grabe, sobrang humahanga ako sa kanya, sobrang dedicated talaga niya."


“O, e, di tapos na ang isyu.”

Ito ang sagot ni Marian Rivera nang tanungin tungkol sa deklarasyon ng kanyang mister na si Dingdong Dantes na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa 2016 elections.

Read: Dingdong Dantes: "I’m not running for any electoral post this 2016."

Kinonsulta ba siya ng mister niya tungkol dito?

Saad ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Alam mo si Dong kasi ang tipong tao na kapag may gusto siyang gawin, dedicated talaga siya, e.

“Example, yung YES Pinoy Foundation niya, all the way sinusuportahan niya.

“Ngayon, nasa National Youth Commission siya, so ang dami niyang ginagawang hindi nalalaman ng tao.

“Hindi naman kasi si Dong yung tipo ng tao na bawat kibot, naka-post, e.

“Ang dami-dami, may mga times ‘yan na umaga na, galing taping, isang oras lang ang tulog, lilipad papuntang Mindoro, lilipad papuntang ganito, para lang mag-orientation sa mga kabataan.

“Alam mo yung ganun?

"Grabe, sobrang humahanga ako sa kanya, sobrang dedicated talaga niya."

Pero kinokonsulta ba siya ni Dingdong tungkol sa usaping pulitika?

“Wala naman kasi siyang sinasabi dahil wala naman siyang balak tumakbo.”

Kung sakaling hihingan siya ng opinyon ni Dingdong tungkol sa pagtakbo?

“Alam mo, ang sabi ko, anuman ang mangyari sa desisyon niya, susuportahan ko siya.

“Kasi naniniwala ako sa kanya, e,” sagot ni Marian.

Ano ang pakiramdam niyang matindi ang clamor na tumakbo si Dingdong sa 2016 elections?

Ayon kay Marian, “Salamat naman at maraming nagtitiwala sa asawa ko, pero siyempre ang ending pa rin, asawa ko pa rin ang magde-decide.

“Katawan niya 'yan, e, at hindi biro ang pumasok sa pulitika.”

Sa Oktubre ang filing ng candidacy, paano kung last minute ay magdesisyon si Dingdong na tumakbo?

“Hindi na nga! Sinabi na nga niyang hindi!” bulalas ni Marian.

What if?

“Hindi ko alam, basta kung ano ang gusto ng asawa ko, suportahan ko siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN