Dingdong Dantes not in baby-naming mode yet: "Mas maganda kapag nandiyan na."

Dingdong Dantes: "Mas maganda talagang umpisahan yung pag-iisip ng mga posibleng pangalan kapag nandiyan na talaga at alam na namin [gender]. Although hindi mo maiiwasan, siyempre dahil sa excitement, names are really coming up right now. We’re still exploring pagdating sa mga names, ini-explore pa namin."


Excited na raw si Dingdong Dantes na malaman ang gender ng magiging baby nila ni Marian Rivera.

Ito ang unang naging paksa nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasabay ang crew ng 24 Oras at Unang Hirit, pagkatapos ng guesting ng aktor sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, May 24.

Sabi niya, “Parte ng regular check-up, yung susunod na, hopefully ay malaman na. Hopefully, this week.”

Sa isang panayam kay Marian kamakailan, nasabi ng aktres na wala munang public revelation tungkol sa gender ng baby para ma-feel daw nilang mag-asawa yung moment.

Read: Marian Rivera not wishing for any gender for her first baby: "May susunod pa naman."

Nakangiting pagsang-ayon ni Dingdong, “Oo, that’s right!

“I don’t know... it’s hard to plan things pagdating sa mga bagay na ganyan.

“Kung anuman yung idinidikta ng excitement ng panahon, ‘di ba? Hindi natin alam.”

Pero ano ang mas gusto nila, girl o boy?

Ayon sa Kapuso Primetime King, “Gaya ng sinasabi namin parati, talagang ang mahalaga, e, healthy siya at lumaking mabuti.

“So, sa ngayon, wala muna kaming hinihiling.

“Kung ano ang ibigay ng Panginoon, we will be very grateful.”


NAMING THE BABY. Nabanggit din ni Marian na kapag boy, dapat merong Jose ang magiging pangalan nito. At kapag girl naman, dapat merong Maria.

Ayon kay Dingdong, napag-uusapan naman nila ni Marian ang tungkol dito.

“Pero mas maganda talagang umpisahan yung pag-iisip ng mga posibleng pangalan kapag nandiyan na talaga at alam na namin [gender].

“Although hindi mo maiiwasan, siyempre dahil sa excitement, names are really coming up right now.

“We’re still exploring pagdating sa mga names, ini-explore pa namin.”

Nasabi rin ni Marian na halos bawat minuto ay tsini-check ni Dingdong ang kalagayan niya. Kung minsan pa nga raw ay ayaw na siyang paalisin ng kanyang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Dingdong, “Hindi naman, hindi naman sa hindi ko siya pinapaalis.

“Ini-encourage ko siya actually to still do some activities and some stuff… basta safe siya.

“At kung pupuwede naman ako, sinasamahan ko siya.”

Kumusta ba si Marian ngayon?

“Well, I guess she’s better. Ang mahalaga is she eats healthy.

“Athough, maganda naman ang kanyang eating habits.”


CRAVINGS. Si Dingdong daw ang napaglilihian ni Marian. Inaaway ba siya nito o lagi ba siyang hinahanap o kini-kiss?

“Hindi ko alam, e,” nangiting muli si Dingdong. “Siya na lang ang makakapagsabi nun.”

Wala siyang anumang napupuna kaugnay ng paglilihi ni Marian sa kanya?

“Wala, e, and wala sa akin yung mga ganun.

“Everything is… parang lahat is overwhelming, so hindi ko nabibigyan ng kahulugan.

“Basta lahat masaya.”

Ngayon pa lang ay may mga balita at nagtatanong kung puwede raw ba silang gumawa ng commercial ni Marian as a family pagkapanganak ng aktres.

Saad ni Dingdong tungkol dito, “Ang mahalaga muna sa lahat ay yung aming pagiging parents in the making.

“So, pagdating sa mga ganung bagay, hindi pa naman namin napag-uusapan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN