Martin Escudero is single but keeps friends with benefits; misses GMA Network

Career-wise, Martin Escudero has his eyes set, not on fame nor fortune, "Hindi naman na yung kasikatan ang habol ko, e. Yung magandang project ‘tsaka award naman ang habol ko.”


Inamin ni Martin Escudero na nami-miss niya rin ang GMA Network.

Si Martin—na dating Mart Escudero—ay produkto ng reality-based artista search ng Kapuso Network na StarStruck Batch 4 (2006-2007), kung saan nanalo sila ni Kris Bernal bilang Ultimate Loveteam.

Ngunit noong 2011 ay lumipat siya sa bakuran ng TV5.

Sabi ni Martin tungkol sa dati niyang home network, “Matagal din ako sa GMA.

“Nami-miss ko yung mga nakatrabaho ko, yung sa off-cam, yung mga boss.”

Sino sa Kapuso stars ang may komunikasyon siya hanggang ngayon?

“Marami naman... sina Mark Herras, yung mga kasabayan ko talaga.

“Lahat naman sila, 'tsaka kapag nagkikita kami sa mga event.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa presscon ng Wattpad Presents How To Break Up With A Bad Boy noong May 21.

Kasama niya sa nasabing episode, na mapapanood this week sa TV5, sina Vin Abrenica at Mich Liggayu ng Jamich.


FOCUS ON TROPHY. Samantala, hindi raw nagseselos si Martin sa atensiyong ibinibigay ng TV5 kina Vin at Mark Neumann, kahit mas nauna siya kaysa sa dalawa na maging talent ng Kapatid network.

“Okey lang, siyempre kailangan din naman nila yun.

“Ako, parang tulong lang sa kanila na makasama ko sila.

“Kasi hindi naman na yung kasikatan ang habol ko, e.

“Yung magandang project ‘tsaka award naman ang habol ko,” sabi ng 25-year-old actor.

Masaya rin daw si Martin na makatrabaho si Mich.

“Natuwa ako sa kanya bukod sa madali siyang i-approach, okay naman siya bilang yung nag-uumpisa sa TV, 'di ba?

“Merong ibubuga talaga, nakaka-acting.”

Pareho silang loveless ni Mich, pero diin ni Martin, “Hindi pa naman ako naghahanap.”

Hindi raw nila napagkuwentuhan ang tungkol sa buhay ni Mich, partikular ang namayapang kasintahan ng dalaga na si Jam Sebastian.

“Kasi baka sensitive pa yung pag-usapan.”

DATING MODE. Walang karelasyon ngayon si Martin, pero inamin niyang hindi nababakante ang sex life niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman. Kasi bilang tao... kailangan talaga ng tao yun, e.”

Okay, meaning meron?

“Oo, oo... meron.

"Siyempre safe din, safe.

"Gusto ko yung ligtas ako, ligtas siya sa akin."

Hindi naman daw mga one-night stand ang nangyayari, pero aminado si Martin na mayroon siyang "friends with benefits."

“Meron naman. Siyempre sa edad ko, napakaipokrito ko naman kung…”

Ano ba ang marrying age niya?

Sabi ni Martin, “Late thirties. Marami akong gustong gawin, ma-achieve.

“Pag nagawa ko lahat yun, aabot na ako ng ganung edad [marrying age].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN