Rocco Nacino ticks off one of his bucket list wishes—to work with Heart Evangelista in a teleserye

Rocco Nacino is thrilled over his first acting project with Heart Evangelista as that has been on his wish list, apart from the fact that she is a good friend of his girlfriend Lovi Poe.


Ikinatutuwa ni Rocco Nacino na finally ay makakatrabaho na rin niya si Heart Evangelista.

“Isa ‘yon sa bucket list ko, e, na makatrabaho ko siya,” sambit ng Kapuso actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, May 24.

Magkakasama sina Rocco at Heart sa Beautiful Strangers, ang upcoming teleserye ng GMA Network, kung saan kasama rin ang girlfriend ng aktor na si Lovi Poe.

Sa kuwento ay magkakaroon ng love triangle ang mga karakter na ginagampanan nila.

Sabi ni Rocco, “Iyon ang conflict, ayokong mag-spill ng ano, pero very, very complicated yung story.

“And maganda, drama ang tema nito, so I’m happy.”

Dahil malapit na kaibigan nina Rocco at Lovi si Heart, hindi ba parang nakakailang sa pakiramdam na magkakaroon sila ng love triangle?

Lalo pa't kasal na ngayon si Heart kay Senator Chiz Escudero.

“Iyon nga! Iyon ang challenge dun. Pero siyempre, we’re actors, so kakayanin ‘yon,” sabi ni Rocco.

Hindi magiging ilang factor sa kanya na asawa ni Senator Chiz si Heart?

“No, magkakaibigan naman kami, e. At iyon ang maganda dun.

“It helps, kasi magkakaibigan kami.”

Excited din si Rocco na sa teleserye ay makakasama rin nila sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, at Benjamin Alves.


PLEDGE OF SUPPORT. Dumako rin ang usapan sa isa pang senador na kapatid naman ni Lovi, si Senator Grace Poe.

Laman ng mga balita ngayon ang posibleng pagtakbo ni Senator Grace sa 2016, kung hindi man bilang Presidente ng bansa ay bilang Vice President.

Si Lovi ay walang dudang susuportahan si Senator Grace. Si Rocco kaya, kung sakali?

Tugon naman ng aktor, “Yeah, of course!

"I believe in Senator Grace and she is really a smart woman.

“At sa tingin ko, magiging magaling na leader ‘yan para sa ating bansa.”

Kuwento pa ni Rocco, “May gagawin nga akong campaign for Comelec [Commission on Elections] na how to vote wisely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t wanna say too much, but I will vote for the right person, definitely.”

Hindi pa raw nami-meet ni Rocco si Senator Grace.

“Hindi pa, but hopefully, soon.”

Hindi naman daw siya maiilang kapag nagkaharap na sila nang personal.

“Hindi, bakit ako maiilang?”

Nangingiting paliwanag niya, “Through my years in the business, I have learned to deal with different kinds of people.

“So, parang no matter kung ano ang stature nila, alam ko kung paano makipag-usap sa tao.

“I know the right words to say naman para makapag-break ng ice.

“So ako, I look forward to meeting her para… alam mo ‘yon?

“Para finally ma-meet ko na rin siya.

“And siyempre, hindi lang naman si Lovi ang dapat kong mahalin, pati pamilya niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN