Rhian Ramos breathes a sigh of relief at positive reviews on The Rich Man’s Daughter

Rhian Ramos on portraying Jade in The Rich Man’s Daughter: “Now that I know na approve yung fans kung ano ang atake ko, mas kumportable na ako to really explore. Kasi dati, medyo pigil, e. Pigil pa yung ginagawa ko, e. Tapos ngayon, ayun nga, gusto ko na talagang i-explore yung character. Mas may freedom na ako.”


Nakakahinga na raw nang maluwag ngayon si Rhian Ramos dahil sa magandang feedback sa pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA Network, ang The Rich Man’s Daughter.

Saad ng Kapuso actress, “Nagulat din ako sa mga reactions.

“Kasi nung nagsimula ako ng taping, takot na takot talaga ako.

“And natatakot din ako sa mga magiging reaction dahil alam ko na ito ang isang show na hindi talaga ako nakapag-prepare.

“Madalas kasi kapag mag-i-start ako ng soap, parang one month before, nagpi-prepare na ako mentally.

"O kaya ay nag-aaral ako kung ano yung pinagdadaanan ng character ko, ganun-gano’n.

“Ito yung ano… yung two days lang. Two days before taping days ko lang nalaman.

“Lahat ng ginawa ko, parang feeling ko, puro hula. Yung hindi ako naging sigurado sa mga choices ko.

“Kaya I was really dreading the airing date!”

Si Rhian ang ipinalit sa original choice para sa lead role na si Marian Rivera, na nagdesisyong umurong sa proyekto dahil sa kanyang pagbubuntis.

Pero ngayon, nakapag-adjust na ba siya?

Ani Rhian, “Now that I know na approve yung fans kung ano ang atake ko, mas kumportable na ako to really explore.

“Kasi dati, medyo pigil, e. Pigil pa yung ginagawa ko, e.

“Tapos ngayon, ayun nga, gusto ko na talagang i-explore yung character. Mas may freedom na ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa studio ng Sunday All Stars noong May 24.

LESBIAN RELATIONSHIP. Convincing ang pagganap ni Rhian sa kanyang character bilang si Jade, na nakatakdang ikasal sa isang lalaki (Luis Alandy) ngunit biglang nagkagusto sa isang lesbian (Glaiza de Castro).

Paano kung dahil dun ay may mga totoong lesbian magkaroon ng gusto sa kanya at ligawan siya?

Natawang sabi ni Rhian, “So far, hindi pa siya nangyayari!

“Kahit naman nung before showbiz, wala pang nanliligaw sa akin na girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ngayon pa lang ako nakakatanggap ng… either flirt or pick-up lines. Pero online pa lang.”

Ano ang nabago sa kanyang pananaw about lesbians nang dahil sa role o sa tema ng story ng The Rich Man’s Daughter?

Saad ni Rhian, “Well, before naman kasi, wala akong different o ibang opinion ‘pag sa lesbian.

“Kadalasan, hindi ko nga alam, sinabi lang sa akin, e.

“Talagang for me, wala akong napapansin na difference.

“Unless sinabi mo lang na ‘lesbian ako,’ ganun.

“So ngayon, I guess I’ve just gotten to know more or parang ano… mag-o-open up sila sa akin.

“People that I’ve known for a long time come up to me and say, ‘Oy, ganito-ganito, ito ang partner ko.’

“Tapos ako naman, ‘Ha?! Talaga?!’

“It’s just now that I’m realizing that some of the people I know naman pala prefer girls, so ayun.”

May ibang babae na dahil masyadong nasaktan o na-brokenhearted sa pakikipagrelasyon sa lalaki, dumating sa puntong mas ginugusto na lang pumatol sa isang lesbian.

Ano ang take dito ni Rhian?

Sabi ng Kapuso actress, “I think marami namang dahilan, maraming mga factors ang pumapasok diyan why some people prefer girls.

“For example, like my character na si Jade, it’s not that she prefers girls, but she prefers Althea, parang ganun.

“Na baka nakilala lang talaga ang soulmate.

“Or baka matagal na, bata pa lang nararamdaman na, pero pinipigilan kasi may mga nagsasabi na, ‘Ay, hindi ‘yan tama!’

“So, marami namang dahilan.

“I don’t think na just because nabu-brokenhearted ako sa mga lalaki, that’s a reason right away to switch.

“I think, for me to be able to switch, I think dapat may iba talaga akong nararamdaman.

“Na parang… yung tulad ng character ko na nakita mo na soulmate talaga.”

GIRL CRUSH. Nagkaroon na ba siya ng girl crush tulad ng character niya bilang si Jade?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Rhian, “Matagal ko nang girl crush si Lovie [Poe]. Lagi ko naman yun sinasabi.”

Bakit si Lovi?

“Well, personality-wise, she is friendly. She’s always smiling.

“She’s always happy, parang she is really a fun girl.

“And then, ang ganda lang talaga ng katawan niya, e. Ang sexy ni Lovi, e!”

Pero hindi naman daw siya natutomboy kay Lovi.

“Siguro ina-appreciate ko lang.

“Kasi parang kapag tinitingnan ko siya, parang ang daming mga bagay na, ‘Sana may ganyan ako.’

“Parang ang daming nasa kanya na wala sa akin.

“Na parang, like, gustung-gusto ko yung color ng skin niya.

“Ang liit-liit ng bewang niya. Yung ganun?

“So, ina-appreciate ko lang.

“Pero hindi pa ako nagkaka-crush sa girl na talagang crush na crush.

“Naguguwapuhan pa rin talaga ako sa boys.”

KISSING SCENE. Tungkol naman sa kanila ng “kapareha” niyang si Glaiza de Castro, sinabi ni Rhian na hindi pa sila nagkakaroon ng kissing scene.

“Almost lang yung napanood niyo, pero wala pa talaga yung kissing scene talaga.

“Pero nakapag-adjust na ako.

“Noong una, marami akong feelings na hindi ini-expect.

“Siguro I went to it na iniisip ko, wala, pareho lang ‘yan na parang sa leading man lang ‘yan.

“So, dapat hindi ako kabahan when you’re in each other’s face.

“And then, nung ginawa ko na, may mga napansin lang ako bagay na… it’s not the same.

“Like, kapag nagha-hug kami, napi-feel ko ang shoulders niya [Glaiza].

“Kasi ang lalaki, hindi naman nag-i-spaghetti strap, ‘di ba? Hindi naman nagbe-bare ng shoulders?

“So, lahat ng leading men ko, kapag hina-hug ko, wala lang. Tela lang ang nararamdaman ko.

“Kapag si Glaiza, yung shoulders niya, tapos she’s skinny.

“And then, naaamoy ko pa yung pabango niya na pang-girl. You know?

“Yung mga stuff na… hindi ko lang na-foresee. Hindi ako nakapag-prepare, ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRENDING TOPIC. Ano ang pakiramdam na patok ngayon ang tandem nila ni Glaiza?

Meron na ngang tawag sa tambalan nila—JaThea (Jade & Althea) at RasTro (Ramos & De Castro).

Sabi ni Rhian tungkol dito, “Nakaka-flatter at natutuwa kami.

“Tapos, nagugulat din kami sa nakukuha naming support.

“And as we’re getting to know the fans, kapag nababasa namin yung mga comments nila, natutuwa din kami with the kind of fans that are following the show.

“Kasi napaka-witty nila, napaka-talented, they’re so smart.

“I mean, kapag mini-message nila kami or gumagawa sila ng mga jokes, mga memes, napaka-creative talaga nila.

“So, it’s nice to have such an expressive and intelligent audience.”

Magkakaron din kaya sila ng album ni Glaiza in the future, gaya ng nabuong tambalang TomDen nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo noon sa My Husband’s Lover?

“Hindi ko alam!” bulalas ni Rhian.

“Si Glaiza naman kasi yung magaling kumanta.

“Ako, parang paminsan-minsan lang ako kumakanta.”

Pero open siya na magkaroon sila ni Glaiza ng album kung sakali?

“Open naman ako, pero ano… siguro kailangan ng matinding vocalization for me!” tawa na naman niya.

TRENDING TOPIC. Gabi-gabi ay nagti-trending sa Twitter ang The Rich Man’s Daughter.

Reaksiyon dito ni Rhian, “I’m very very happy. Hindi talaga namin ini-expect nung simula.

“Na-shock na din lang kami na ganun ang pagtanggap sa show namin at saka sa tambalan namin ni Glaiza.

“Ayun nga, grabe lang talaga ang support, and we really wanna thank them na they take time.

“Hindi lang nila pinapanood. Habang nanonood sila, nagri-react sila. They really talk to us.

“Kasi kami din ni Glaiza, kapag wala kami sa taping o kahit nasa taping kami, kapag may free time, we’re tweeting also while we’re watching.

“So, ang saya lang na isang buong community siya. Na pare-pareho kami ng pinag-uusapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And ang daming mga comments.

“Kami rin, nagbibigay din kami ng mga comments namin.

“Sabay-sabay kaming naloloka!”

MORALISTS. Handa na rin ba siya sakaling mag-react ang mga moralista dahil sa tila pagpu-promote nila ng same-sex relationship?

Saad ni Rhian, “Actually, meron na ngang mga nagri-react ngayon, pero very, very few.

“And all I have to say naman about that is… yung show namin, never naman naming binuksan yung conversation na kung ano ba ang tama at mali.

“Kasi it’s not naman for us to say, e. We’re a TV show, ‘di ba?

“Hindi kami ang magde-decide kung ano yung tama o mali.

“Ang sinasabi lang namin, dapat intindihin ng mga tao, ‘di ba?

“Ang dami na kasing mga factors that tell people apart.

“Ang daming mga reasons na to judge other people.

“Yung mga religion, beliefs… katulad na rin nung sexual preference.

“Sa tingin ko, just because iba yung tao sa ‘yo or iba yung paniniwala niya sa paniniwala mo, ibig sabihin, hindi mo na siya kayang respetuhin?

“Dapat hindi ganun. Dapat ay nirerespeto na lang natin ang isa’t isa.

“Puwede namang hindi ka mag-agree. Okey lang naman ‘yon, pero respeto na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN