Ruffa Gutierrez on feud with mom Annabelle Rama: "We both love each other and maaayos din ‘yan."

Ruffa Gutierrez on mom Annabelle Rama: "Ganun lang talaga when she expresses her love, she’s very overbearing, she’s controlling, and minsan, siyempre medyo nasasakal kami. We want to do our own thing and she raised us to be independent. So, nandito na kami, we’re independent. So, sana maintindihan din niya na, siyempre, malalaki na kami at may kanya-kanya na kaming buhay."


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez.

Sa press conference ng kanilang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez kahapon, May 26, ay sinabi ni Annabelle na hindi pa rin niya napapatawad ang panganay na anak at unica hija na si Ruffa.

Ito ay kaugnay pa rin ng relasyon ng actress-TV host sa French-Arab businessman na si Jordan Mouyal.

Read: Annabelle Rama refuses to accept daughter Ruffa Gutierrez's boyfriend Jordan Mouyal

Aminado naman si Ruffa na bilang anak, siya ang unang lumalapit sa ina para sa pag-asang magkasundo na sila.

“Siyempre, bilang anak, ikaw talaga ang kailangang lumapit,” sambit niya.

Hindi pa niya nakikitang tamang panahon na para lumapit siya sa ina?

“Hello, lagi naman akong bumabati sa kanya, kumi-kiss sa kanya, pero dedma!” bulalas ni Ruffa.

Sa presscon proper ay naging emosyunal si Annabelle habang nagsasalita tungkol sa alitan nila ng anak.

Sabi naman ni Ruffa, “Oo nga, I don’t know what’s wrong with her, so emotional.

“Siyempre, when it comes to family, being the ate, I’m always the emotional one.”

Bagamat matigas pa rin si Annabelle, sinabi naman nitong sa tamang panahon ay magkakaayos din sila ni Ruffa.

Reaksiyon dito ni Ruffa,“Well, totoo naman, timing is everything.

“And importante, kahit na nagkakaroon kami ng diperensiya, kahit na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, at the end of the day, we both love each other and maaayos din ‘yan.”


RUFFA’S BOYFRIEND. Dahil bukas ang mommy niya sa pagkadisgusto nito kay Jordan, hindi ba naaapektuhan ng tampuhan nilang mag-ina ang relasyon ng actress-TV host sa kanyang boyfriend?

Ayon kay Ruffa, “A, hindi… wala naman, normal pa rin ang buhay.”

Tumanggi namang magsalita si Ruffa nang kumustahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang boyfriend.

“Naku, ayoko nang pag-usapan ‘yan, the show lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Annabelle na hindi nito matatanggap kung sakaling mabuntis ni Jordan si Ruffa.

Pero ayon kay Ruffa, “Well, wala talaga akong plano na magkaroon ng baby.

“I don’t have any plans of having another baby.

“I’m very happy with Lorin and Venice right now, and I’m just enjoying baby Zion, baby Aria.”

Sina Zion at Aria ay mga pamangkin ni Ruffa mula sa kanyang mga kapatid na sina Richard at Elvis Gutierrez, respectively.


OVERPROTECTIVE MOM. Tanggap naman daw ni Ruffa na “overprotective” ang kanyang ina sa kanilang magkakapatid, pero lalo na raw sa kanya dahil siya ang nag-iisang babae.

“I think my mom is really overprotective to everyone, to all of us.

“But, mas dagdag pa sa akin ng mga 30 percent.

“Pero ganun lang talaga when she expresses her love, she’s very overbearing, she’s controlling, and minsan, siyempre medyo nasasakal kami.

“We want to do our own thing and she raised us to be independent.

“So, nandito na kami, we’re independent.

“So, sana maintindihan din niya na, siyempre, malalaki na kami at may kanya-kanya na kaming buhay,” pahayag ng 40-year-old movie and TV personality.

Sa kabila ng mga tampuhan at masasakit na salitang binibitawan nila, sinabi ni Ruffa na ang pamilya ay pamilya.

“Oh, it’s true naman.

“Kasi, like I’ve said, minsan si Raymond [Gutierrez, her brother] at si Mommy kahapon, nagkaroon ng disagreement.

"Like last year, it was Chard and my mom.

“We go through these stages but, at the end of the day, maaayos at maaayos pa rin.

“And of course, we respect her, we respect our elders.

“Kahit na minsan nagri-reason out kami, nandiyan pa rin na sa amin nanggagaling ang initiative para batiin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN