Darren Espanto wins PEPsters’ Choice for Male Teen Star of the Year

Darren Espanto on possibility of accepting acting assignments: “I think it would be another talent I want to try and improve on. I’m very open to that idea.”


Isang patunay ng lakas ng suportang ibinibigay ng kanyang fans kay Darren Espanto ay ang pagkapanalo niya bilang Male Teen Star of the Year sa PEPsters’ Choice ng The PEP List Year 2.

Online at text voting ito kaya masasabing bumuhos ang mga boto mula sa fans ni Darren.

Ang mga tinalo ni Darren sa kategoryang ito ay sina Daniel Padilla, Manolo Pedrosa, Mark Neumann, Miguel Tanfelix, Nash Aguas, at Ruru Madrid.

Sabi ni Darren tungkol sa kanyang pagkapanalo, “Nakakataba po ng puso kasi very dedicated po yung supporters ko po.”

Hindi nakadalo si Darren sa announcement of winners ng PEPsters’ Choice noong Mayo 21. Pero sigurado naman daw na dadalo siya sa awards night ng The PEP List Year 2 na gaganapin sa Hunyo 18, sa Solaire Resort and Casino.

Nais namang magpaabot ng pasasalamat ni Darren sa PEP at sa mga bumoto sa kanya.

“Maraming-maraming salamat po sa PEP for nominating me, and yun, nanalo nga po ako.

“Maraming salamat din po sa lahat po ng bumoto sa akin, nanalo po tayo.

"Maraming salamat po. Nakakataba po ng puso.

“I’m so happy and it’s another blessing po for me.”

BIRTHDAY WISH. Darren turned 14 noong May 24.

Itinuturing niya ngang magandang regalo sa kanyang kaarawan ang sunud-sunod na blessings na natatanggap niya.

Pero may wish pa ba siya?

Sabi ng binatilyong singer, “Of course, good health and long-lasting happiness.

“And sana po maging successful ang concert ko.”

Gaganapin ang kanyang Darren Espanto D Birthday Concert ngayong Biyernes, May 29, sa Mall of Asia Arena.

Ano naman ang ginawa ni Darren sa mismong birthday niya?

“I spent time with my family po. We just ate outside. I just enjoyed my day.”

NO ISSUE WITH LYCA. Ano ang masasabi niya na tila nalampasan na niya ang winner ng The Voice Kids na si Lyca Gairanod, at mas naunahan pa niya itong magkaroon ng major concert sa malaking venue?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Darren, “Actually po, si Lyca, palabas na rin po yung album niya this June.

“And yung MCA po, they’re giving us equal opportunities po.”

Ano naman ang comment niya na iniintriga sila ni Lyca?

“Parang weird po, kasi kami naman po ni Lyca, we’re both okay, parang magkapatid po kami.

“And when we see each other, wala naman [issue].

“There’s nothing wrong between us po.”

Si Lyca ay nanalo namang PEPsters' Choice for Child Star of the Year sa The PEP List Year 2.

WANTS TO TRY ACTING. Sina Juan Karlos at Lyca ay pareho nang umaarte ngayon sa paglabas nila sa episodes ng Maalaala Mo Kaya at iba pang teleserye ng ABS-CBN.

Gusto rin bang subukan ni Darren ang pag-arte?

Sagot niya, “Of course po, gusto ko rin pong i-try yung acting.

“I think it would be another talent I want to try and improve on.

“I’m very open to that idea.”

Anong particular role ang gusto niya?

“Ako po? Kahit ano po.”

Sinong artista ang gusto niyang makatrabaho?

Sagot ni Darren, “Kahit yung mga kuya-kuya po or ate-ate.

“I’d say gusto ko pong maging kuya si Kuya Jericho Rosales.

“Kasi since bata pa po ako, napapanood ko po siya, and he’s such a great actor.

“And of course, Kuya Coco Martin, at saka si Ate Kathryn [Bernardo] at Kuya Daniel [Padilla], yun po.”

LOVETEAM. Open ba siya na magkaroon ng ka-loveteam?

Tugon niya, “Opo, of course. I’d like to try all the fields in acting.”

Sino ang gusto niyang maka-loveteam?

“Actually, marami pong pina-partner sa akin yung mga Darrenatics.


“Meron pong team CasRen [with Cassy Legaspi, anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi].

“Meron pong team KyRen, at saka team AndRen.

“Yung KyRen po, si Kyline Alcantara po ng Anna Liza, yung kontrabida po doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos AndRen po si Andrea Brillantes ng Anna Liza din po, siya si Anna Liza.”

Kanino siya pinaka-close sa tatlo?

“I’d say si Kyline and Andrea po, kasi sila po, I get to text na po and I’ve met them.

“Si Cassy, hindi ko pa po nami-meet.”

THE VOICE KIDS 2. Magsisimula na sa Hunyo ang pag-ere ng season 2 ng The Voice Kids.

Excited na nga raw si Darren na makilala ang mga batang susunod sa batch nila.

May advise ba siya sa mga batang nangangarap na maging tulad nila na sumikat dahil sa The Voice Kids?

Sabi niya, “Sa lahat po ng sasali sa The Voice Kids Season 2, just be yourself and always stay humble.

“Kasi humility is the key to success, I would say po.

“Kasi lahat po ng tumatagal [sa industriya], dapat po may humility.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN