Annabelle Rama on love-hate relationship with her children: "Kaya matapang ako lumaban sa kanila dahil hindi nila ako palamunin."

Annabelle Rama on whether or not she gets financial support from her children: “Siyempre binibigyan din nila ako [ng pera], pero binibigyan ko sila ng trabaho para may commission pa rin ako. Pero hindi ako umaasa, nakaupo lang, nanghihingi sa kanila ng pera. Hindi!"


Wala na umanong mahihiling pa si Annabelle Rama pagdating sa pagiging faithful ng mister niyang si Eddie Gutierrez.

Hindi kaila sa publiko ang makulay na love story ng couple, at kung ano ang mga sakripisyong ginawa ni Annabelle para lang paninindigan siya ni Eddie noong panahong nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon.

Pero kung mayroon man silang madalas na pagtalunang mag-asawa ngayon, iyon ay ang pagkampi ni Eddie sa panganay nilang anak na si Ruffa Gutierrez.

Madalas daw kasing magkampihan ang mag-ama sa tuwing may alitan sina Annabelle at Ruffa.

Kuwento ni Annabelle, “Kaya alam mo si Eddie, hindi ko siya mabe-blame.

“Pag nag-away kami, hindi ko siya kakampi, kaya kami nag-aaway lagi.

“Kapag kaming dalawa lang, naiintindihan daw niya ako.

“Kasi kaming dalawa sa kuwarto, [sasabihin niya], 'Tama ka, ganyan-ganyan.'

“Akala ko galit na siya [kay Ruffa].

“Kapag kaharap na lahat, iba na ang kakampi niya.

“Sa akin na siya galit. Wala na akong kakampi. Mag-isa na lang ako.

“E, tama naman lahat ng ginagawa ko. Wala naman akong ginagawang mali.”


EDDIE'S TAKE ON ANNABELLE AND RUFFA'S CONFLICT. Nakapanayam ng entertainment reporters si Annabelle sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, na ginanap sa Cocoon Boutique Hotel, Quezon City, noong Martes ng tanghali, May 26.

Kasama ni Annabelle sa presidential table ang mister na si Eddie at mga anak na sina Ruffa, Richard, at Raymond.

Bilang padre de pamilya, kapansin-pansing kalmado lang si Eddie sa kabila ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Annabelle at Ruffa.

Read: Annabelle Rama refuses to accept daughter Ruffa Gutierrez's boyfriend Jordan Mouyal

Ang totoo ay pareho umanong naiintindihan ni Eddie kung ano ang pinanggagalingan ng alitan ng mag-ina.

Paliwanag ni Eddie, “Nung araw, lagi akong kumakampi kay Ruffa pag nag-aaway sila.

“Ang nagiging ending, kami ni Annabelle ang nag-aaway.

“So, ngayon, wala na akong kinakampihan kasi, para sa akin, pareho silang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Annabelle wants only the best for Ruffa.

“And Ruffa has a life of her own. Dapat naman mag-enjoy siya.”

Seryosong hirit naman ni Annabelle na ikinatawa ng entertainment media: “Eduardo, walang nabubuhay sa enjoyment!”


ANNABELLE'S OWN SOURCE OF INCOME. Naghayag din ng sentimiyento si Annabelle tungkol sa hangarin niyang mapabuti ang buhay ng mga anak, kahit pa kung minsan ay mayroong impresyon ang iba na masyado siyang matapang at istrikta.

“As a mother, napakahirap kaya magpalaki ng anim na mataray at anim na matatapang.

“Dyusko, napakahirap!

"Kaya maliit pa sila, puro belt, puro palo ang natitikman nila, para matahimik lang sila.

“Pero 'di ko akalain kung paano sila lumaki, paano sila gumaling mag-English.

“Until now, akala ko panaginip lang.

"Hindi ko alam kung paano ko sila napalaki nang ganyan," pahayag ni Annabelle.

Sa parte ni Annabelle, ibinahagi niyang kahit malalaki na ang kanyang mga anak ay hindi siya basta na lang umaasang tustusan ng mga ito ang sarili niyang pangangailangan.

“At least naman 'di naman nila ako pinapakain.

"Nagtatrabaho ako para makakuha ako ng sarili kong gustong bilhin.

“Siyempre, binibigyan din nila ako [ng pera], pero binibigyan ko sila ng trabaho para may commission pa rin ako.

“Pero hindi ako umaasa, nakaupo lang, nanghihingi sa kanila ng pera. Hindi!

“Kaya matapang ako lumaban sa kanila dahil hindi nila ako palamunin. Nagtatrabaho ako,” giit ni Annabelle.


STRONG-WILLED BUT PROUD MOM. Kakatuwang buong pagmamalaking sinasabi ni Annabelle ang tagumpay na naabot ng mga anak niyang sina Ruffa, Richard, at Raymond sa kani-kanilang fields of career.

Gayunman, nananatiling prangka ang Gutierrez matriarch pagdating sa mga bagay na kailangang i-improve ng mga anak.

Unang inilirawan ni Annabelle ang pagiging mabuting ama ni Richard, 31, na mayroong two-year-old son na si Zion.

Sabi pa ni Annabelle patungkol kay Richard: “Natutuwa ako sa kanya ngayon kasi meron siyang time for Zion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi ko, 'Chard [palayaw ni Richard], 'wag naman lahat puro Zion. Magtrabaho ka naman paminsan-minsan kasi nawala commission ko.'

“Nag-e-enjoy naman siya kaya hindi ko siya pinipilit, kasi baka sabihin naman sa akin mukha akong pera.

“Pero in due time, magtatrabaho na rin siya.”

Sunod na inilarawan ni Annabelle ay ang love-hate relationship nila ni Ruffa, 40.

Aniya, “Si Ruffa, ewan ko, lagi kaming nag-aaway.

“Hindi ko na alam kung tunay ko siyang anak, e.

“We always fight since day one, since she was five years old.

“Hanggang ngayon, sa awa ng Diyos, palagi pa rin kaming nag-aaway.

“Pero okey lang naman. The best naman siyang mother sa dalawang anak niya.

“Ang hindi lang the best sa kanya, sarili niya.”

Pagdating sa anak niyang si Raymond, 31, diretsahang sinabi ni Annabelle na wala siyang nakukuhang commission dahil sariling sikap ng TV host/businessman kung anumang pinagkakaabalahan nito.

Dugtong pa ni Annabelle patungkol kay Raymond: “I'm so proud of Raymond.

"Sarili niyang income, sarili niyang kayod, sariling sipag.

“Hindi na ako nagma-manage sa kanya pagdating diyan kaya wala akong kita sa kanya.

“Kaya sabi ko, mag-show na silang lahat, kasi dun ang start ng aking commission.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN