Richard Gutierrez open to be a Kapamilya: “Given the right project, why not?”

Richard Gutierrez says his social media followers and fans club hanker for a pairing with Angel Locsin or Anne Curtis. "They missed the projects that we did before," he says.


Mapapanood na worldwide ang reality show na It Takes Gutz To Be A Gutierrez, simula sa June, sa pamamagitan ng TFC (The Filipino Channel).

Ang TFC ay ang international cable channel ng ABS-CBN.

Ngayong nasa TFC na ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez, posible kayang mapanood na rin si Richard Gutierrez sa ABS-CBN at maging isang Kapamilya?

Matatandaang pagkatapos ng 11 taong pagiging exclusive contract artist ng GMA Network ay hindi na nag-renew si Richard noong 2013.

Pagkatapos nito ay hindi pa pumpirma sa alinmang TV networks ang aktor.

Sabi ni Richard tungkol dito, “Alam mo, ever since, I’ve been in the industry pretty long, and I’m always asked that question.

“Given the opportunity, if there’s a right project with ABS-CBN, why not?

“I mean, there are a lot of people there that I haven’t worked with, a lot of directors there that I haven’t worked with.

“If it’s something exciting, something that will really excite me, why not?”

Madalas na rin daw siyang matanong kung sino sa Kapamilya stars ang gusto niyang makasama.

“Nasagot ko na yata ‘yan dati, but actually, marami... especially their directors.

“There are really pretty good directors there who can make their actors shine.”

What about Angel Locsin and Anne Curtis na pareho niyang nakatrabaho noon sa GMA?

Sabi ni Richard, “Actually, marami akong natatanggap sa mga social media ko, sa mga fans club.

“They want me to be paired again with Angel, Anne… they miss the projects that we did before.

“So, given the right project, why not?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez kahapon, May 26.


FAMILY TIME. Matagal nang hindi napapanood sa isang teleserye si Richard.

Ang huli niya ay ang Love and Lies noon pang 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa 31-year-old actor, “Parang ngayon ko lang talaga nae-experience yung may time ako with my family.

“Especially now that I have Zion, yung oras, hindi mabibili ng taon.

“Yung time that I spend with my family, so yun ang pinakamahalaga sa akin ngayon.”

Si Zion ang two-year-old son ni Richard sa girlfriend niyang si Sarah Lahbati.

Patuloy niya, “Alam niyo yung teleserye, looking back, nami-miss ko siyempre ang umarte.

“Pero yung oras, talagang napaka-taxing gumawa ng teleserye.

"Kaya hanga ako sa mga actors natin, kinakaya nila ang ganoong klaseng trabaho na non-stop talaga.

“Hanggang ngayon, nababalitaan ko na ganoon pa rin, so bilib ako sa kanila.”

Nawalan na ba siya ng gana sa pag-arte?

Paglilinaw ni Richard, “Hindi naman, hindi naman...

"I just really took my time off, and I’m really just enjoying life right now.

“You know, twelve years nga, all the works I’ve done, parang I’m really just enjoying, especially now that I have Zion.

“I’m taking my time and I’m choosing the right project now that hindi ako tied up sa isang kontrata.

“I feel that I have the freedom to do whatever I want, to choose the right project.

“And with the business I’ve established throughout the years, it’s giving me not a bad life, so I’m happy right now.”


MIXED EMOTIONS. Kailan kaya siya magbabalik sa paggawa ng teleserye at pelikula?

Tugon niya, “Well, I’m doing a hosting job for TV5, it’s something new.

"It’s something… I think, a game-changer, yung KisPinoy. It’s something different."

Dagdag pa niya, "Sabi ko nga, mixed emotions ako about teleserye.

“It’s a fun process, but at the same time, talagang very taxing.

“And I feel, like, yung last few teleserye ko really burned me a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And now that I’m relaxed, I can choose the right project.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN