Zsa Zsa Padilla on marrying boyfriend Conrad Onglao: “Not yet.”

Divine Diva Zsa Zsa Padilla wants everything settled first before marrying boyfriend Conrad Onglao: “Hindi naman puwedeng in a whim, and then you’ll regret it, ‘di ba?


Wala pang magaganap na kasalan sa pagitan ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla at ng kanyang boyfriend, ang architect na si Conrad Onglao.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media si Zsa Zsa sa press conference para sa kanyang upcoming concert na Beginnings, sa Resorts World Manila, kahapon, May 27, sinabi ng singer-actress na hindi pa ito ang tamang panahon para sila ay ikasal.

“Not yet, not yet. Maybe getting there... I don’t know.”

Ngayong araw, May 28, ay nagdiriwang si Zsa Zsa ng kanyang 51st birthday. Hindi ba siya nape-pressure na maikasal ulit kahit na nasa 50s na siya?

Sagot niya, “Time is gold? I think it will come in time, in due time.”

Ayon pa kay Zsa Zsa, mas maganda kung planado ang lahat bago sila ikasal.

Si Zsa Zsa ay ikinasal sa murang edad sa dati niyang asawa na si Dr. Modesto Tatlonghari ngunit naghiwalay rin sila.

Pagkatapos ay naging live-in partner niya ang yumaong Comedy King na si Dolphy sa loob ng mahabang panahon.

Si Conrad naman ay hiwalay sa unang asawa nito.

Pahayag ng Divine Diva, “I don’t know, one is because you really wanted to get to know the person, it has to be planned.

“Hindi naman puwedeng in a whim, and then you’ll regret it, ‘di ba?

“Because, I think, we’ve both been married before, so we wanna make sure, ‘di ba?”

Sa tingin naman daw ni Zsa Zsa ay okay sa mga anak niyang sina Karylle, Nicole, at Zia Quizon kung magpapakasal siya kay Conrad, kahit hindi pa niya natatanong ang mga ito.

“Oo naman, I think so.

"I don’t know, I haven’t asked anybody...

“I rertract that, I haven’t asked anyone.

“No, I haven’t really asked my kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But they have so much love and respect for me that they would, you know, they just want to see me happy."


NO PRESSURE FOR KARYLLE. Sa ngayon, hindi na raw naiisip ni Zsa Zsa na mag-ampon pa ng bata.

Matatandaang ang isa sa mga anak nila ni Dolphy na si Nicole ay inampon lamang nila noong ito ay sanggol pa.

Sabi ni Zsa Zsa, “No more na.

"You know, I really consider that when I was by myself.

“I said, ‘Okay, you’re lonely.’ And it’s a lot of responsibility.”

Ang inaabangan na lang daw ngayon ni Zsa Zsa ay ang kanyang mga magiging apo sa panganay na anak na si Karylle.

“And I’m really just waiting for my apos, to spoil my apo is something I’m really waiting to do.

"But my candidate isn’t ready yet," pagtukoy niya sa anak.

Subalit hindi naman daw niya pine-pressure si Karylle na magkaanak na agad, bilang naranasan na niya ito noon.

“No, sabi ko naman sa kanya, no... I would just drop na parang, you know, 'What do you think?' ganun.

“Pero I don’t wanna pressure kasi I already felt that before, e.

“Si Karylle kasi and Zia are ten years apart.

"And with Zia, I really had a hard time already getting pregnant, so when I would have my monthly [periods], I would be crying.

“There’s just so much pressure for me for two years, two whole years, and that ten years apart [sila].

“So, when it happened, parang I know the feeling, so I try not to [pressure her].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN