Karylle on having a baby: “Ready lang ako.”

“I like that I’m pushing myself as an artist as well because I have to keep up with him,” says Karylle about how her husband Yael Yuzon has influenced her.


Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang ikasal si Karylle sa rock musician na si Yael Yuzon.

Kaya naman 'di maiwasang matanong ang singer-TV host kung kailan nila plano magkaroon ng anak.

“Ready lang ako,” sagot ni Karylle nang tanungin siya ng entertainment reporters tungkol dito sa press conference ng Next Attraction concert noong Martes, May 26.

Dagdag pa niya, “I'm sure it would be anytime.

“Kapag sinabi ni Lord na time na, darating naman siguro 'yon, so ready lang.

“For me, I'm just trying to be even healthier.

“When it's time, basta ako ready lang ako.”


PLAYING MUSIC TOGETHER. Sa ngayon, ayon kay Karylle, nag-e-enjoy pa siya sa pagpe-perform sa iba't ibang gigs, kasama ang kanyang mister na bokalista ng bandang Spongecola.

“Ako, ini-enjoy ko lang, kasi ang saya nilang kasama.”

Magkasama silang nag-concert sa Abu Dhabi at Qatar kamakailan. Sa Sabado naman, May 30, magkasama rin sila sa isang music festival sa Bulacan.

Nakangiting sabi ni Karylle, “Nakiki-#buhaybanda na ako.

“Being married to a musician or a rockstar, maganda ang influence niya.

“I have to write songs, the guitar is always out at home, the keyboard is always on.

“Sometimes I'd say, 'Yael, I have to sleep,' kasi he's recording a song outside, maliit lang yung place.

“I like that I'm pushing myself as an artist as well because I have to keep up with him.

“My song nga was 'Can't Shut Up' because he's so madaldal.

“The same way with music, he's always writing new songs palagi.

“The other day, we went recording. Next week, magre-record kaming dalawa.

"So, ganun yung life namin.

“We're always collaborating, pero hindi cheesy, kaya hindi n'yo alam.”


THE NEXT GENERATION. Bukod sa gigs nila ni Yael, abala rin ngayon si Karylle sa paghahanda para sa Next Attraction concert kasama ang iba pang mga anak ng Pinoy music icons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sina Paolo Valenciano, anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano; Robin Nievera, anak nina Concert King and Queen Martin Nievera and Pops Fernandez; at Isabella, anak ni Pop Diva Kuh Ledesma.

Ayon kay Karylle, “This has been a longstanding idea.

"Everyone has been saying, 'You guys should have a concert.'

“We never really did it until, finally, Tita Pops volunteered to be in charge.”

Si Pops ang producer ng Next Attraction concert na gaganapin sa Music Museum sa July 4.

Bukod sa pagpe-perform, ayon kay Karylle, makikita kung gaano ka-close ang mga anak ng Pinoy music icons.

“I think more than anything, what's nice to see is the friendship.

“We've pretty much grown up together and we have the same issues in life 'bilang mga anak ni.'

“Growing up wih your famous parents, it's not exactly normal.

“It's special, it's sometimes a challenge, but most of all, it's fun.

“You'll pretty much see how we are as friends,” sabi ni Karylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN