Enzo Pineda on flaunting his body on Instagram: "Kung may maipagmamalaki ka naman, why not?"

Enzo Pineda on working hard to attain a good physique: “Pinaghirapan ko siya. I work out every day. Not because I just want to look good, but also, para rin sa sarili ko. I want to be the best physically and mentally. And I don’t just do weight, I also do martial arts, a lot of running, and I do marathon. So, may mga purpose po lahat ng ginagawa ko."


Pagkatapos ng kontrobersiyal na breakup ni Enzo Pineda sa kapwa niya Kapuso star na si Louise delos Reyes noong 2013, nakahanap na ng bagong pag-ibig ang StarStruck alumnus sa kanyang non-showbiz girlfriend ngayon.

“Last year pa, wala pang one year, pero masaya,” sabi ni Enzo nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gaano na sila katagal ng kanyang girlfriend.

Dagdag pa niya, “And definitely, para sa akin, ang good thing about it, I get to focused on my work...

“At mas gusto ko talaga kapag hindi ko kasama sa work ang special someone ko.

“Not because of what happened or anything.”

Base sa track record ni Enzo ay tumatagal talaga ang mga relasyon niya.

Sabi niya tungkol dito, “Ganun talaga ako. Kapag may mahal ako, tumatagal siya or siya na.”


GETTING FIT. Sa Instagram account ni Enzo ay madalas siyang mag-post ng mga larawan kunsaan tumatakbo siya o nagpapakita ng kanyang katawan na bunga ng ginagawa niyang pagdyi-gym.

So cool to be part of #mannypacquiao 's new Smart TVC.

A video posted by Enzo Pineda (@its_enzopineda) onApr 19, 2015 at 3:39am PDT

Solid martial arts training today

A photo posted by Enzo Pineda (@its_enzopineda) onMay 22, 2015 at 3:29am PDT

Saad ng 24-year-old actor, “Para sa akin, happy ako kasi maraming good feedback about it.

“Pinaghirapan ko siya. I work out every day.

“Not because I just want to look good, but also, para rin sa sarili ko.

“I want to be the best physically and mentally.

“And I don’t just do weight, I also do martial arts, a lot of running, and I do marathon.

“So, may mga purpose po lahat ng ginagawa ko.

“Bonus na lang sa akin na nakikita nilang may improvement sa physique ko.”

Yun nga lang, may ilan namang nagsasabi na parang gustung-gusto raw niyang ipinapakita ang kanyang katawan.

Sabi ni Enzo tungkol dito, “Well, hindi naman ako palaging nagpapakita.

“Pero I’m part of Bench, Bench Body.

“So, may mga pictorial talaga ako that I have to do topless.

“And I do have fans na gusto nila yung mga pictorials ko na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think… I don’t see anything wrong about it.

“Kung may maipagmamalaki ka naman, why not?

“Kung wala kang ipagmamalaki, might as well keep it to yourself, ‘di ba?

“But, of course, I do understand na iniingatan ko na rin na huwag magpakita nang topless all the time.

“May mga moments siya, para may recall.”

MY MOTHER’S SECRET. Kasama si Enzo sa early primetime series ng GMA Network na My Mother’s Secret. Siya ang lumalabas na ka-love triangle nina Kim Rodriguez at Kiko Estrada.

Nakikita raw ni Enzo ang pagka-complex ng kanyang karakter kaya nagustuhan niya ito agad.

“I do think na yung character ko ay may malaki pong ipinaglalaban.

“Siya ang unang anak, iniwan siya ng tatay.

“He became a self-made man. Nagkaroon ako ng business, yumaman ako.

“Tapos, nakilala ko yung second family na ipinagpalit ako ng tatay ko.

“Siyempre, nandoon lahat yung reasons para makabawi, for revenge.

“So, isa na rin yung kayamanan, kay Kim, kay Kiko.

“Pero eventually, mai-in love ako kay Kim.

“Makikita ko na mabuti talaga ang puso niya.”

Mas gusto ba niyang wala siyang permanenteng ka-loveteam?

Ayon kay Enzo, “Para sa akin, I’m very comfortable with it.

“At saka gusto ko dahil yung mga character lagi na part ng team-up or sa love triangle, malalalim.

“It has a lot of angst, pinaghuhugutan.

“And for an actor, gusto ko siya dahil hindi ito ang the usual na nakukuha ng bida.

“At saka, nagbabago, puwede akong bumait, puwedeng sumama. Nagsi-shift ng emotion.

“So, for me, mas matutuwa rin ang mga viewers dahil ang daming shade of Enzo na makikita sa akin.

“So, this is one thing na kaya kong ipakita na I can be a serious actor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN