Kim Rodriguez not bothered by big break given to other Kapuso female stars

Kim Rodriguez on wanting to play kontrabida role: “Kasi hindi naman po puwede yung palagi ka na lang mabait, palagi ka na lang bida. Parang try ko naman po yung iba. Parang Judy Ann [Santos], parang puwedeng bida, puwedeng kontrabida. Angelica [Panganiban], bida tapos kontrabida, ‘di ba po?”


Hindi raw nararamdaman ni Kim Rodriguez na pinababayaan siya ng GMA Network sa kabila ng pagbibigay ng magagandang break sa iba pang Kapuso female stars na sina Janine Gutierrez, Bianca Umali, at Gabbi Garcia.

Sabi ni Kim sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ay, hindi po!

"Kahit kailan, hindi ko po naramdaman na pinabayaan ako ng GMA.

“Kasi, unang-una, nag-start po ako sa Tween Hearts.

“After po nun, naging sunud-sunod po yung mga projects na ibinibigay nila sa akin.

“At yung mga project na yun, magaganda po yung role.”

KAPUSO PRINCESSES. Sina Kim, Janine, Bianca, at Gabbi ay apat sa itinuturing na mga prinsesa sa bakuran ng Kapuso network.

“Ako, hindi ko po alam na prinsesa ng GMA!” natatawang reaksiyon dito ni Kim.

Pero magkakaibigan ba silang mga “prinsesa”?

Ayon kay Kim, “Kasi po ako, hindi po masyadong kami close.

"Kasi hindi kami masyadong nagkakasama kaya siguro hindi kami masyadong nakakapag-usap.

“Pero sila Janine, nakakapag-usap kami, sila Bianca.

“Pero masaya ako kasi dumarami na yung mga nagiging princess nga po ng GMA Network.”

Paano sila naging close ni Janine?

“Sa workshop iyon, e, dance workshop, acting [workshop]… magkakasama kami.

“Tapos naghingian kami ng number namin, meron kaming group sa Viber.”

Dagdag niya, “Pero si Gabbi kasi, hindi ko pa siya nakakasama sa trabaho.

“Pero sa workshops, nagkakasama po kami.

“Si Bianca, ate-ate niya ako, Ate ang tawag niya sa akin.”

KIKO ESTRADA. Ipinapareha ngayon si Kim kay Kiko Estrada, na leading man niya sa GMA teleserye na My Mother’s Secret.

Ayon kina Kim at Kiko ay wala pa silang relasyon. Pero may usapan ba silang hindi puwedeng magpaligaw sa iba si Kim at si Kiko naman ay hindi puwedeng manligaw sa iba?

Sagot ng dalaga, “Wala naman po. Wala naman kaming usapan na ganun.

“Pero kasi ako, parang, ‘Sige, okay lang na manligaw ka sa akin, pero ako magpo-focus ako sa trabaho.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap ito, e. Challenging yung role namin dito.

“Kasi ako, parang itinaboy ako ng magulang ko nang hindi ko alam, ganun.

“Kaya sobrang bigat po ng character ko dito.”

Ano pa ang project o role na nais niyang ipagkaloob sa kanya ng GMA?

Sabi ni Kim, “Ako, halos lahat naman po ng ibinibigay ng GMA, gusto ko.

“Pero kung pagbibigyan ako na isa, gusto ko naman pong maging kontrabida.”

Lahat daw kasi ng roles niya, so far, ay mabait siya.

“Kasi hindi naman po puwede yung palagi ka na lang mabait, palagi ka na lang bida.

“Parang try ko naman po yung iba.

“Parang Judy Ann [Santos], parang puwedeng bida, puwedeng kontrabida.

“Angelica [Panganiban], bida tapos kontrabida, ‘di ba po?”

Habang ang ibang artista ay naghahangad na maging bida, si Kim naman ay nais maging kontrabida.

“Opo, para ma-try ko naman po kung paano mang-api!” natatawang sabi niya.

Given a chance, sino ang nais niyang apihin onscreen?

“Ay, kahit sino po!” bulalas ni Kim.

Kung siya ang papipiliin?

“Gusto ko naman po yung hindi ko pa nakakasama.

“At saka siyempre, kung pipili ka, gusto ko yung sobrang matsa-challenge ka talaga na mahihirapan kang awayin siya, parang ganun.”

Tulad nino, may naiisip ba siya?

“Gusto ko po yung hindi ko pa nakakasama sa trabaho, e.

“Puwede po si Janine, si Gabbi... puwede po kasi magaling sila.

“Napapanood ko yung show nila, pati yung show ni Janine dati, magaling sila.”

Sino naman ang gusto niyang maging leading man na hindi pa niya nakakatrabaho?

“Ang hindi ko pa nakakatrabaho na leading man… Dennis [Trillo]!” bulalas ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN